^

Pang Movies

Facebook makupad, Twitter admins mas mabilis umaksyon sa picture ni Isabel sa ataul

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Busy yata ang mga administrator ng Facebook kaya wala pa silang mga aksyon na ginagawa laban sa mga fake Facebook account na gumagamit sa pangalan ni Isabel Granada.

Puro katsipan at kabastusan ang mga naka-post sa fake Facebook accounts ni Isabel kaya may katwiran na maghimagsik ang kalooban ng pamilya niya at concerned friends.

Kung mabagal kumilos ang Facebook administrators, mabilis naman ang mga tauhan ng Twitter sa pag-delete ng mga litrato ng bangkay ni Isabel.

As of presstime, hindi na makikita sa Twitter ang mga litrato na kawalan ng respeto sa alaala ng pumanaw na aktres.

Kahapon, November 12, ang cremation sa mga labi ni Isabel sa Arlington Funeral Homes, Araneta Avenue, Quezon City. Bago ang cremation, nagdaos ng eulogy para kay Isabel noong Sabado ng gabi na dinaluhan ng kanyang mga kamag-anak, malalapit na kaibigan, at fans.

Raymond mas hunk na ang katawan kesa kay Richard

Grabe ang ganda ng katawan ngayon ni Raymond Gutierrez dahil nagmumura ang kanyang abs.

Kahit sa panaginip, hindi siguro pumasok sa isip ni Raymond na gaganda nang husto ang katawan niya.

Dahil sa matin­ding disiplina ni Ray­mond sa katawan, mas hunk pa siya ngayon kesa sa kanyang twin brother na si Ri­chard.

Fit inspiration talaga si Raymond sa lahat ng mga nawawalan ng pag-asa na pumayat dahil siya ang buhay na halimbawa. Hindi naman overnight ang trans­formation ng kanyang katawan na pinaghirapan at pinagpaguran niya.

Bakasyon muna si Raymond sa kanyang work out dahil nagpunta siya sa Queenstown, New Zealand para sa outdoor wedding kahapon nina Erwan Heussaff at Anne Curtis.

Hindi puwedeng mag-absent si Raymond sa kasal nina Erwan at Anne dahil BFF niya ang Heussaff couple. Malaki ang impluwensya ni Erwan sa desisyon ni Raymond na magbawas ng timbang.

Luis-Jessy at Neil-Angel, walang ilangan!

May kanya-kanya nang lovelife sina Luis Manzano at Angel Locsin kaya hindi isyu na nagkita sila sa kasal nina Erwan at Anne. Awkward lang ang sitwasyon para sa mga intrigero at intrigera na hanggang ngayon, affected sa paghihiwalay ng dalawa.

Kasama ni Angel sa New Zealand ang kanyang boyfriend na si Neil Arce at si Jessy Mendiola naman ang muse ni Luis.

Past is past na para kina Luis at Angel. I’m sure, pareho na silang nag-move on dahil maligaya na sila sa kanilang mga bagong partner.

Gaya ni Raymond, hindi puwedeng mawala si Luis sa kasal nina Anne at Erwan dahil parang kapatid ang kanyang turing sa TV host/actress na nakapareha niya noon sa mga pelikula ng Viva Films.

Rachel Peters sinalubong ng mga Pinoy sa Las Vegas

Dumating na kahapon sa Las Vegas si Rachel Peters, ang bet ng Pilipinas sa Miss Universe 2017.

Sinalubong si Rachel ng mga Pinoy sa international airport ng Las Vegas. Full support sa dalaga ang mga kababayan natin na naniniwala na malaki ang kanyang tsansa na manalo sa Miss Universe.

Girlfriend si Rachel ni Camariner Sur Governor Miguel Luis Villafuerte. Two years older si Migz sa kanyang beauty queen girlfriend. Siguradong lilipad si Migz sa Las Vegas para suportahan ang laban ng kanyang girlfriend sa coronation night ng Miss Universe sa November 26.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with