^

Pang Movies

Pauleen at Vic, ‘Talitah’ ang ipinangalan sa baby

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Talitah ang name ng baby daughter nina Pauleen Luna at Vic Sotto.

Unique ang name na Talitah dahil bibihira ang mga babae na may ganoong pangalan.

Little Girl ang meaning ng Talitah na bagay kay Talitah dahil siya ang sentro ngayon ng mundo ng kanyang mga magulang.

Sinabi ni Papa Joey de Leon sa presscon ng Barbi, D’ Wonder Beki na utay-utay na ipapakita ni Bossing sa Eat Bulaga ang pictures ng very cute na bagets.

Bank account para sa mga gustong mag-abuloy kay Isabel, may isyu!

May violent reaction ang madlang-bayan sa bank account na binuksan ng misis ni Chuckie Dreyfus para sa mga gustong magbigay ng abuloy sa mga naulila ni Isabel Granada.

Naka-post sa Facebook account ni Chuckie ang kumpletong detalye ng bank account na nakapangalan sa misis niya.

May mga hindi komportable sa ginawa ni Chuckie pero may explanation ang former child actor na diumano, may basbas ng pamilya ni Isabel ang aksyon nila.

Ang sey ni Chuckie, nagbukas sila ng bank account para sa mga gusto na magbigay ng abuloy dahil marami ang nagtatanong sa kanila

Maganda ang motibo ni Chuckie and friends pero hindi maiiwasan na may mga mag-react. Ang importante, may blessing ni Mommy Guapa, ang ina ni Isabel, ang ginawa ni Chuckie at ng concerned friends ng pumanaw na aktres.

Winwyn babalik na sa Lunes!

Sa darating na Lunes ang inaasahan na pagdating ni Winwyn Marquez sa Pilipinas mula sa Bolivia.

Masaya ang pagbabalik ni Winwyn dahil siya ang nanalo ng korona ng Reina Hispanoamericana 2017.

Siyempre, isa sa mga tuwang-tuwa si Jonas Gaffud dahil siya ang mentor ni Winwyn. At least, tuluy-tuloy ang winning streak sa international beauty pageant ng mga alaga ni Jonas na patuloy sa pag-discover ng mga potential beauty queen.

Rachel Peters panlaban ang mahahabang biyas sa Miss U

Sina Miss Thailand at Miss South Africa ang itinuturing ni Rachel Peters na magiging mahigpit na kalaban niya sa Miss Universe 2017.

Si Rachel ang official delegate ng Pilipinas sa Miss Universe na magaganap sa Las Vegas bago matapos ang November.

Marami ang nagsasabi na malaki ang tsansa ni Rachel na magkaroon ng puwesto sa Miss Universe. Bukod sa matalino, asset ni Rachel ang kanyang long legs na takaw pansin.

Aicelle at Mark sa beach gustong magpakasal

Ang promo ng kanyang major concert ang pinagkakaabalahan ngayon ng singer na si Aicelle Santos.

Awit na Aicelle ang title ng concert ni Aicelle at itatanghal ito sa Music Museum sa November 30.

Excited si Aicelle dahil si Gary Valenciano ang isa sa mga special guest niya. Hindi makapaniwala si Aicelle na makakasama niya si Gary sa isang concert dahil mga ta­lent sila ng rival stations, ang ABS-CBN at GMA 7.

Sure na susuportahan ni Mark Zambrano ang concert ng girlfriend niya. Hoping ang dalaga na si Mark ang “the one” para sa kanya kaya napag-uusapan na nila ang pagpapakasal.

Kung si Aicelle ang tatanungin, beach wedding ang gusto niya dahil pareho sila ni Mark na mahilig sa dagat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with