^

Pang Movies

Mahahabang dialogue ni Alex sa 12 huhusgahan kung bebenta!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sabay na huhusgahan ngayon ang dalawang romantic-drama movies, ang This Time I’ll Be Sweeter nina Barbie Forteza at Ken Chan for Regal Multi Media Inc. at ang 12 nina Alessandra de Rossi at Ivan Padilla for Viva Films.

Umani ng papuri si Alex hindi lamang sa kanyang acting sa movie nilang 12 during the premiere night kung hindi sa magandang script na siya ang sumulat ng diaglogues nila ni Ivan kahit medyo mahahaba, maganda naman at natural ang dating.

Pinalakpakan din at ikinatuwa ng fans nina Barbie at Ken ang This Time I’ll Be Sweeter sa red carpet premiere night last Monday evening sa SM Megamall Cinema 7. Patutunayan daw ng movie na kahit friends lamang ang mga bida ay kaya nilang magpakita ng sweetness sa mga eksena sa movie na idinirek ni Joel Lamangan. Nakatulong ang pagiging comfortable sa isa’t isa nina Barbie at Ken dahil matagal na silang magkasama sa GMA at para walang ilangan sa trabaho. 

Kasama rin sa movie sina Thea Tolentino, Kim Rodriguez, Hiro Peralta, Akihiro Blanco, Jai Agpangan, Fiona Yang, at Kaki Ramirez.

Mapapanood ang dalawang pelikula in cine­mas nationwide.

Kris kinatatakutan ng mga co-host ni Willie

Bumalik na ang ibang co-hosts ni Willie Revillame sa kanyang Wowowin at may balita ring papasok bilang co-host ni Willie si Kris Aquino. Pero sey ng netizens, maniniwala na raw lamang sila na totoo ang balita, kapag nakita na nilang nagho-host si Kris sa show.

Pero totoo bang kinatatakutan ng mga co-host ni Willie na kung pumasok na si Kris sa show, mawawalan na raw sila ng trabaho?  Pareho raw mahusay na hosts sina Kris at Willie, at wala silang binatbat sa da­lawa.                          

Ayaw magseryoso, Sheryl kuntento sa date lang 

Thankful si Sheryl Cruz na pumasok siya sa high-rating afternoon drama prime series na Impostora.

This year pala ay nakasama siya sa drama series na Once Again at Meant To Be rom-com nina Barbie Forteza at Ken Chan, kung saan nakasama rin niya ang sisters niyang sina Manilyn Reynes at Tina Paner. Nakapag-guest din siya sa iba pang shows sa GMA 7 kaya sabi raw niya sa sarili, next year na lamang siya tatanggap ng project.  Pero hindi niya na-resist nang i-offer sa kanya ang Impostora ni Kris Bernal dahil maganda ang kanyang role at alam niyang sinusubaybayan ito ng mga netizens.

Kuwento ni Sheryl. “Ako si Betty Romero na naging mabait kay Nimfa (Kris) nang makilala ko siya, pero hindi nito alam na ako ang tunay na ina ni Rosette (Kris)

I’ll conspire against Nimfa. Pero galit sa akin si Rosette dahil pinabayaan ko sila ng kanyang ama, dahil addicted ako sa sugal kaya wanted ako sa loan shark, played by Marc Abaya, at nandoon na ang conflict sa story.”

No problem kay Sheryl kung kontrabida na naman ang role niya ngayon dahil iyong dalawa niyang natapos na teleserye, mabait naman ang role niya.  Saka excited siya dahil first time niyang makakasama sina Kris, Marc, Rafael Rosell, Assunta de Rossi, at Renz Fernandez, na pare-pareho raw mahuhusay na artista, lalo raw si Kris at bilib na bilib siya sa pagganap bilang sina Nimfa at Rosette.

Umamin naman si Sheryl na she’s dating lamang, pero wala siyang boyfriend. Gusto raw lamang niyang asikasuhin ang kanyang anak na si Ashley, who’s 16 years old na ngayon. Open daw ang communications nila ng former husband niyang si Norman pagdating sa kanilang anak. Tuwing summer ay pinapayagan niya si Ashley to be with her dad na siyang nagpo-provide ng education ng anak.  Gusto raw kumuha ng Psychology ni Ashley after graduating from high school at soon maging isang doctor.

“Gusto kong ma-experience ni Ashley ang love ng parents niya even if we’re not together anymore.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with