^

Pang Movies

Alma hindi masabi ang nararamdaman sa panalo ni Winwyn

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi ma-describe ni Alma Moreno ang kanyang nararamdamang kasiyahan dahil sa pagkapanalo ng kanyang anak na si Winwyn Marquez bilang Miss Reina Hispanoamericana 2017.

Kinuwento ni Alma sa programang Unang Hirit ang kanyang kaba at tuwa nang manalo si Winwyn sa naturang pageant sa bansang Bolivia noong nakaraang November 4.

“Noong makapasok pa lang si Wyn sa Top 10, kinakabahan na ako. Lalo na noong makapasok siya sa Top 5, lalo akong kinabahan.

“Pero noong dalawa na lang sila sa stage, doon na ako umiiyak kasi malakas ang pakiramdam ko na mananalo si Wyn.

“Kaya noong i-announce na Filipinas, masayang-masaya ako. Binalita ko agad sa mga kasama ko sa bahay na panalo si Wyn,” kuwento pa ni Alma.

Nagkausap na raw sila ni Wyn pagkatapos nitong makoronohan at humarap sa press conference bilang bagong winner ng Miss Reina Hispanoamericana.

“Tumawag si Wyn after two hours pa. Kasi raw maraming nag-interview sa kanya.

“Ramdam ko ang saya ng anak ko talaga.

“Bilang ina, I am so proud of her at ang buong bansa, pinagmamalaki siya.

“Tinanong ko kung kelan siya uuwi? Kasi nga dahil sa siya ang nanalo, baka maiba ang schedules niya. Aalamin daw ni Wyn ang lahat ng detalye kung kelan siya makakauwi sa atin.”

Nagpapasalamat si Alma sa lahat ng sumuporta kay Winwyn at tumulong na matupad ang matagal na nitong pangarap na maging isang international beauty title holder.

“Marami akong pasasalamatan. Pero kilala na nila kung sino sila.

“Kayo na hindi nag-give up sa pagsuporta sa anak ko, na marating niya ang estado na ito, hindi namin kayo makakalimutan,” pagtatapos pa ni Alma Moreno.

Mariah kumalas na sa manager

Nag-part ways na sina Mariah Carey at ang kanyang manager na si Stella Bulochnikov. Ito ang kinumpirma ng Page Six dahil wala si Stella sa isang New York event ng pop diva.

 “During their time working together, they have accomplished great things, including, most recently, Mariah Carey’s new music and motion picture projects for this upcoming holiday season.

“Mariah Carey and Stella Bulochnikov remain partners in a number of business ventures, and will continue to support each other in those endeavors,” ayon pa sa official statement.

Former TV producer si Stella at ito ang pumilit kay Mariah na gawin ang reality show sa E! na Mariah’s World.

Naglabas ng kanyang bagong Holiday song si Mariah titled The Star na kasama sa soundtrack ng soon-to-be-released animated film with the same title.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with