^

Pang Movies

Alessandra umani ng million views sa 12 rason sa paghihiwalay ng magdyowa

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Alessandra umani ng million views sa 12 rason sa paghihiwalay ng magdyowa

Alessandra de Rossi

Palaban ang acting nina Alessandra de Rossi at Ivan Padilla sa pelikulang 12 na showing na sa November 8.

Silang dalawa lang ang bida sa isang kuwento ng magkarelasyon na may kakaibang pinagdaraanan.

At pinatunayan nilang kaya nilang sila lang.

Tiyak din na maraming makaka-relate sa 12 dahil sa magkarelasyong matagal naghintayan pero nang magkatuluyan ay saka lumutang ang mga problema.

At higit sa lahat marami kang matututunan sa mga rason kung bakit naghihiwalay ang magkarelasyon.

Bukod sa pagiging bida, nag-invest din si Alex sa pelikulang ito at siya rin ang nagsulat ng kuwento at kumanta pa ng theme song.

Kahapon 1 million na ang views ng ‘12 reasons kung bakit naghihiwalay ang isang couple’ video ni Alessandra.

Kasal ng Korean superstars P11 million lang daw ang gastos

Hindi rin pala masyadong magastos ang kasal sa Korea.

Ang estimate sa report ng pep.ph, gumastos lang ang bagong kasal na Korean superstars na sina Song Joong-Ki at Song Hye-Kyo ng more than P11 million sa kasalan nila last October 31.

Kung siguro dito sa atin ang ganung status nila baka mas malaki ang gastos.

James Reid at Nadine Lustre

James at Nadine nagpaka-X-men, Isabel hindi nagpahuli sa Halloween kahit buntis

Kahit buntis, hindi nagpahuli si Isabel Daza sa pabonggahan ng Halloween costume.

Nag-ala Titan (anime) siya pero nakalutang kunyari ang baby sa kanyang tummy.

Isabel Daza

X-men naman ang napili nina James Reid and Nadine Lustre na nag-Halloween na sina Gambit and Rogue. Sa Japan sila nagpalipas ng Undas obvious na ini-enjoy nila. Sa Japan nagpalipas ng 24th birthday si Nadine last October 31.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with