^

Pang Movies

Isabel nakakalungkot na raw ang kalagayan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nalungkot naman kami sa nasabi sa aming palagay sa kundisyon ni Isabel Granada. Sinasabi namin “palagay” o “opi­nion” lamang ito ng isang kaibigan naming doctor. Isa po siyang neurologist, ibig sabihin iyong espes­yalista sa mga sakit na may kinalaman sa brain.

Ang sabi niya sa amin, medyo mahirap daw maka-recover sa aneurysm. Kung naagapan daw sana ay maaaring maiwasan ang pagputok ng ugat, pero sa kaso ni Isabel na sinasabi ng mga doctor na tumingin sa kanya ay nagkaroon na ng internal bleeding, ibig sabihin pumutok na ang ugat sa brain, maaari raw maka-recover pero mahirap. Pero sinasabi niya, kung makaka-recover at kung ano ang extent ng recovery, maaaring malaman sa loob ng mga dalawa o tatlong linggo.

Suwerte pa rin daw si Isabel, dahil sinasabi nga niyang sa pag-aaral sa buong mundo, 40 percent ng ganyang sitwasyon ay namamatay. Isa sa mga kasong ganyan sabi nga niya, ay ang dating NBI director na si Reynaldo Wycoco. Pero ang naging advantage nga ni Isabel, bata pa siya at malakas ang pangangatawan.

Kung maka-recover naman si Isabel, lalo na nga’t kung maooperahan pa siya para maalis ang anumang blood clot sa kanyang utak, mas magiging ok daw pero may mga ilang problema pa rin. Maaaring humina na ang kanyang katawan, medyo mabulol ang kanyang pagsasalita o kung ano mang iba pang maaaring maging epekto ng pangyayari, basta ang mas importante naman ay buhay siya. Posible rin daw na sa pamamagitan ng therapy ay maibalik naman sa normal ang lahat.

Sa narinig naming kuwentong iyon, maliwanag sa amin na ang kailangan talaga ay panalangin, isang himala at ang awa ng Diyos ang higit na kailangan ngayon ni Isabel. Matuwa na lamang tayo na nananatili siyang buhay, naging normal ang blood pressure, normal ang heart beat, at iba pang mga vital signs.

Vic aligaga sa pelikula at panganganak ni Pauleen

Hindi na nga raw matatapos ang buwang ito, malamang after mga two or three weeks, ma­nganganak na si Pauleen Luna Sotto. Alam na nila na babae ang magiging panganay nila ni Vic Sotto. Para kay Vic naman, sinasabi niyang suwerte sa kanya iyon, dahil isipin naman ninyo, magkakaanak pa ba siya ulit kung hindi sila nagkatagpo ni Pauleen?

Kaya nga matindi rin ang schedule ni Vic, dahil may pelikula siya para sa MMFF (Metro Manila Film Festival), meaning minamadali nila ang pagtapos noon, magpo-promote pa, at ngayon nga manganganak na si Pauleen.

Pinagpahinga na nila si Pauleen, na noong una ay ayaw pang tumigil sa Eat Bulaga dahil maiinip daw siya kung wala siyang gagawin. Pero mas mabuti na nga naman iyong sigurado.

Aktor na-excite sa pagpapakita ng katawan ni Markki

Sinasabi nilang mukhang ang lumabas na picture ng singer at model na si Markki Stroem ang siyang pinaka-sexy sa lahat ng inilabas ng Bench para sa kanilang fashion show sa November 18. Ang hindi lang namin maintindihan, kung bakit nababanggit ang pangalan ng isa pang male star na obvious daw na hindi lang tuwang-tuwa kung ‘di proud pa na ang lumalabas na pinaka-daring at pinaka-sexy sa nasabing fashion show ay si Markki. Bakit nga ba siya ang excited at proud?

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with