Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Marian babu muna sa mga branded na damit, kinuhang endorser ng Kultura!

First time kumuha ng celebrity endorser ng Kultura Filipina na may shops sa ilang SM malls. Pinoy ang produkto nito pero pang-export ang kalidad.

Si Marian Rivera ang piniling kunin na endorser ng Kultura. Sa latest post ni Yan Yan, buong pagmamalaki niyang iminodelo ang isang produkto nito.

“Nakakataba ng puso nung malaman ko na first time kumuha ng celebrity endorser ang Kultura. Nagpapasalamat ako nang lubusan nun napili nila ako. Iba talaga ang gawang Pinoy! Nakaka-proud maging Pilipino!” caption ni Super Ma’am.

Ayon kay Marian, wala naman daw restrictions sa pagsusuot niya ng branded na damit. Pero sa unang suot niyang gawa ng Kultura feel na feel na niya agad ang mga disensyo ng damit at ibang mga gamit, huh!

Regine nag-shopping para hindi matensiyon sa concert

Kinakabag nitong mga nakaraang araw si Regine Velasquez-Alcasid. May kinalaman ‘yun sa two-night concert niya simula ngayong gabi sa SM Mall of Asia Arena, ang R3.0 bilang selebrasyon ng 30th year niya sa showbiz.

Ngayon lang uli kasi bibirit sa concert stage na mag-isa ni Songbird. Eh, magkaiba ang mapapanood sa una at pangalawang gabi sa Sunday except sa ilang songs pati na line-up of guests. Pampalakas ng dibdib niya ang isang verse sa Bible na, I can endure all these things through the power of the one who gives me strength. -  Philippians 4:13 CEB.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ilan sa guests sa grand concert ni Regine sina Ogie Alcasid, Erik Santos, Sarah Geronimo at iba pa. Isasabay sa concert ang paglabas ng three-volume album ni Songbird.

Pawang quotes mula sa Bible ang naka-post sa IG ni Reg kahapon. Eh may nakita siyang quotes mula sa @mysteriousfact na, “Shopping improves your self-esteem and opens your mind to other choices and points of view.”

“Talaga ba? Sabi ko na nga ba eh tama ako eh oh!!!!! #makapagshoppingnga,” komento ni Reg sa sariling IG.

Mark hindi nakapagpigil kay Wyn sa airport!

Sobrang cheesy ang paalaman ng lovers na sina Mark Herrras at Winwyn Marquez sa airport last Wednesday. Papuntang Bolivia si Win upang makipagbakbakan sa mga Latina para sa korona ng Miss HispanoAmericana 20017 sa Santa Cruz, Bolivia.

Ang kuya Yeoj ang kasama ni Win kaya iwan si Mark. Bago umalis, hayun at wala silang pakialam sa sasabihin ng tao sa airport dahil sa sweetness nila.

“I’ll miss you pangggaa! Good luck sa laban mo. Sobrang proud kameng lahat sayo. Balik ka agad ah...Mahal na mahal kita ga. Father God bless this amazing woman, her tita aileen and her bro yeoj...maging safe sila sa pupuntahan nila, wag nyo po silang pababayaan #reinateresita,” caption ni Mark sa cheesy foto nila ni Win.

Sa November 4 ang laban ni Win at ito ay gaganapin sa Salon Sirino dela Feria Exposicion. Naku, sa lambingang ‘yon nina Mark at Win, may nanalo na!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: