Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bela at Angelica iniimpluwensiyahan na si Kim sa KD?

Kim, Angelica, at Bela

Iba na ang level ng barkadahan nina Kim Chiu, Bela Padilla and Angelica Panganiban.

Spotted silang nagdi-dinner sa isang Korean restaurant three days ago. All out din ang suporta nina Bela at Angelica sa pelikulang pinagbibidahan ni Kim na The Ghost Bride na showing na sa November 1.

Kilalang mahilig sa K drama sina Angelica at Bela, na-convince na rin kaya nila si Kim na manood ng kinalolokohan nilang palabas?

Myrtle pinaghihinalaang may ipinabago!

Uy parang bagong gawa raw ang hitsura ng mukha ng PBB winner na si Myrtle Sarrosa nang mag-guest siya sa Tonight With Boy Abunda nung isang gabi. Bagong gawa nga ba?

Parang ‘yung ilong ang nagbago sa kanya. Basta meron nga. At marami ang nakapuna.

Actually hindi ito ang unang pagkakataon na nag-iba ang hitsura niya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Eh dati na namang maganda ang actress/singer na nagtapos ng cum laude sa UP.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: