Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Daniel hoping na maging kaibigan si Erich!--

Ayaw nang pag-usapan pa ni Daniel Matsunaga ang ex-girlfriend na si Erich Gonzalez. Sa presscon kahapon ng Spirit of the Glass 2: The Haunted kung saan ay isa siya sa bida, tipid na ang sagot ng aktor kapag natatanong siya tungkol sa da­ting karelasyon.

“Actually, I prefer not to talk about my past relationships anymore because past is past, ‘di ba?” sambit ni Dandan (nickname ni Daniel).

Pero nagkita sila sa Star Magic Ball 2017 hindi ba?

“Yes po, nag-hi naman po ako, pero ‘yun nga, no comment na lang ako kasi this issue has been going forever na and it’s so tiring na and it’s done, it’s past,” saad ng aktor.

Pero nagkita rin sila ng isa pa niyang ex-GF na si Heart Evangelista sa Star Magic Ball, kumusta naman ‘yun?

“Masaya naman, as you can see in the video, we’re fine with each other, magkaibigan kami and ‘yun nga, I’ve met Chiz (Escudero, Heart’s husband) with Heart as well, so you know, no problem at all.”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sa tingin ba niya, mauuwi rin sila ni Erich sa sitwasyon nila ngayon ni Heart?

“No comment na lang. Sana, sana. You know I’d prefer lahat ng mga ex ko before, most of them, I’m friends with pa.”

Masaya naman daw siya ngayon lalo pa nga’t marami siyang pelikula. Bukod sa Spirit of the Glass 2 na showing na sa Nov. 1 directed by Joey Reyes, kasama rin siya sa Meant to Beh nina Vic Sotto at Dawn Zulueta at Fallback with Rhian Ramos and Zanjoe Marudo.

Mundo nina Joshua at Jerome lalong sumisikip

Grabe ang patalbugan sa acting nina Eula Valdez at Mylene Dizon sa The Good Son. Talagang wala kang itulak-kabigin sa kanilang dalawa at gusto mo talaga silang palakpakan habang pinapanood mo ang kanilang mga eksena sa sobrang husay nila.

Maging si John Estrada na lagi nilang kaeksena ay puring-puri ang dalawang aktres at wala ­siyang masabi sa husay pareho ng kanyang co-actresses.

“Pareho silang magaling,” sabi ni John.

Samantala, sa pagpapatuloy ng serye, mas magiging palaisipan ang bawat gabi ng mga manonood ngayong madidiin si Racquel (Mylene) sa kaso ng pagkamatay ni Victor (Albert Martinez).

Isang dokumento ang nakuha ni SPO1 Colmenares (Michael Rivero) kung saan nakalahad ang criminal record ni Racquel at nagpapakitang mayroon siyang taong pinagtangkaan ng buhay sa kanilang probinsya. Dahil dito, madidiin siya bilang suspek at uungkatin ang kanyang nakaraan na maaring magpatunay sa kaugnayan niya sa pagkamatay ni Victor.

Mas sumisikip naman na ang mundong ginagalawan nina Joseph (Joshua Garcia) at Enzo (Jerome Ponce) ngayong parte na sila ng iisang basketball team. Lalo ring uminit ang kanilang bangayan matapos pagbintangan ni Enzo si Joseph na sumira sa kanyang kotse, kaya naman mas maraming tao na ang humuhusga sa pagkatao niya.

Dahil sa kaguluhang dala ng pangalawang pamilya ni Victor, hindi namin titigil si Olivia (Eula) na maalis sila sa kanilang buhay at lalo pang patutunayang sila ang may sala sa krimeng nangyari sa asawa.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: