Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Female starlet ipinangungutang pati ang ipapakain sa pamilya!

Kilalang-kilala pala ang isang female starlet sa kanilang lugar dahil sa rami ng mga utang niya sa kanilang kapitbahay.

Hindi makapaniwala ang mga kapitbahay ng female starlet kung bakit parating kapos ito sa pera, eh nakikita naman nilang laging umaalis at parang busy na busy.

Kapag tinatanong nila kunsaan pupunta, sinasabi nitong may personal appearance raw siya or may guesting. Pero halos lahat nga raw ng mga tao roon ay inutangan na niya.

“Ultimo pala ang kakainin ni female starlet at ng pamilya niya ay pinang-uutang pa niya,” sey ng source namin na dating nagtrabaho sa female starlet.

“Lahat pala ng mga sari-sari stores doon, hanggang sa kabilang kanto, ay may lista sila ng utang. Ultimo nga ang nagbebenta ng fishball, kikyam at siomai sa may kanto ay may utang din ang female starlet.

“Ang masama pa nito ay tuwing sisingilin sila ay parating sinasabing wala siya or hindi pa siya nakakasingil sa mga producers. Kapag meron na ay babayaran niya raw lahat ng utang niya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Pero dalawang tindahan na nga ang nagsara roon sa lugar nila at ni singkong duling ay hindi nagbayad ang female starlet. Ipinasa-Diyos na lang ng mga ito ang pagiging balasubas ng female starlet.”

Minsan naman daw ay sinugod na si female starlet ng ilang mga kapitbahay dahil sa utang nitong alahas, damit, sapatos, bags, at groceries. Hindi raw lumabas ang female starlet at ang humarap ay ang alalay nito.

“Ang ginawa ng alalay ay naglabas ng mga ilang gamit ng female starlet at sinabi na iyon na lang daw ang kunin nila dahil wala naman daw iniwang pera ito.

“Tsaka bilin daw iyon ng amo niya na kapag may naningil, ilabas ang mga gamit na napili na niya para pambayad.

“Nilabas ng alalay ang ilang mga gamit sa bahay, kusina, ilang damit, sapatos at accessories na hindi pa nagagamit ng female starlet.

“Walang choice ang mga kapitbahay kundi kunin ang mga iyon. May kumuha ng TV, DVD player, electric fan, blower, plantsa, at pati folding chair.

“Sa totoo lang, nakakahiya ang sitwasyon ng female starlet. Hindi niya maharap ang mga taong inutangan niya at kinailangan pang isubasta niya ang mga gamit niya.

“Saan nga ba napupunta ang mga pera niya? May bisyo ba siya na hindi namin nalalaman? Kung anuman ang problema niya, sana maayos na niya dahil hindi siya puwedeng magtago forever at mauubusan din siya ng gamit sa bahay dahil sa mga utang niya!” pagtatapos pa ng source namin.

Dating gasoline boy, pambato na ng Pilipinas sa International pageant

Mula sa pagiging isang gasoline station attendant, isa nang candidate sa international male pageant si CJ Cundangan Querol na taga-Balagtas, Batangas.

Si CJ ang gasoline boy ng Seasoil Philippines na nag-viral ang photo nang may mag-post nito sa Facebook noong 2016. Dahil guwapo at pang-male model ang dating kaya nagkaroon siya ng exposure sa TV.

Ginawa pa siyang brand ambassador ng Seaoil Philippines.

Ngayon ay magiging Philippine representative na siya ng Mister Universe Tourism 2017 na gaganapin sa Palacio de Maynila sa October 15.

“I am dedicating my stint to the pageant to my mother who took care of us. Para sa kanya talaga ito. Thank you so much for all your support. This is it! I will do my best to make my country proud,” sey pa niya.

Bukod sa pagiging gasoline boy, nagtrabaho ring tricycle driver at taga-deliver ng tinapay si CJ para makatulong sa kanyang pamilya.

Kinailangan ding tumigil sa pag-aaral si CJ noong pumanaw ang kanyang ama at naging breadwinner siya ng pamilya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: