^

Pang Movies

AiAi pinaghahanda ni Vic

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kahit abala si Comedy Queen AiAi delas Alas sa kanyang wedding preparations, very busy rin siya sa pagti-tape ng mga episode nila ni Bossing Vic Sotto para sa bago nilang show titled Bossing and Ai. Tinawag ngang Blockbuster Co­medy Royalties sina Vic at AiAi kaya naman ibang level ang pagtatagisan nila ng galing sa iba’t ibang game segment.

Ayon kay AiAi, mas makikita kung paano sila magbiruan ni Bossing, “panoorin ninyo kung sino ang mas witty sa aming dalawa.”

“Siya ang maghanda, dahil kabisado ko na siya,” sabi ni Bossing. 

“Kaya alam ko na kung ano ang gagawin ko sa kanya.”

Magiging permanent sidekick ni Bossing si Jose Manalo at kay AiAi naman si Tart Carlos. Kasama rin nila si Oyo Sotto na siyang game master at siya rin ang magbibigay ng parusa sa mga matatalo every week. Tonight, ang special guest nila ay si Teri Onor.  Mukhang exciting kung ano ba talaga ang concept ng show na mapapanood pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Kambal ni Carmina ayaw ng kapatid

Bukod sa may special participation si Carmina Villarroel sa drama-fantasy series na Super Ma’am ni Marian Rivera, ini-enjoy din niya na libre siyang mag-guest sa mga show sa GMA 7. Kahapon ay special guest siya ni Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang Sarap Diva show at natanong ni Regine si Carmina kung hindi na ba niya susundan ang kambal nila ni Zoren Legaspi, sina Mavy at Cassy?

Minsan daw kapag nakikita niya ang 16-year-old kambal nila, naiisip niyang sana raw ay dinagdagan pa nila ang mga anak nila. Pero hindi na raw, kasi kahit ang kambal ay ayaw na ring magkaroon pa ng mga ka­patid.

Ang kambal din ay madalas mag-guest sa Eat Bulaga na kahapon ay sila ang nasa opening production number, mahusay kasing sumayaw ang kambal.

Ngayong Monday naman mapapanood na ang character ni Carmina as Ceres, ang siyang magpapamana ng power kay Marian bilang si Minerva, isang mabait na teacher pero kapag may nangangailangan at may inaapi, nagbabagong anyo at nagiging si Super Ma’am siya. Enjoy siya sa cha­racter na ginagampanan kahit special guest lamang siya.

Gil nami-miss na

Marami palang nag-request sa GMA 7 na muling mapanood si Gil Cuerva, ng romantic-comedy series na My Love From The Star. Nami-miss na raw nila ang guwapong actor, na hinangaan nila ang pagganap bilang si Matteo Domingo. Hindi naman sila binigo ng GMA, dahil mamayang gabi, sa Daig Kayo Ng Lola Ko, gaganap si Gil in a dual role sa Ang Prinsipe at Ang Pulubi. Medyo mahirap ang role, pero in-enjoy ni Gil ang taping nila.  Kasama niya for the first time si Arra San Agustin, with Lloyd Samartino, Ces Quesada at Angel Aviles.

Girlfriend ni Geoff nanganak na

Masayang lola na naman si Direk Gina Alajar dahil nagsilang na ang girlfriend ng anak na si Geoff Eigenmann, si Maya, ng baby girl. Caption ni Direk Gina sa kanyang  post: “Maraming mara­ming salamat Panginoong Diyos sa ibinigay mong kaligtasan kay Maya at sa aking bagong apo, si Arabella Simone Eigenmann. Congratulations Geoff and Maya. 9-23-2017 this is the day that the Lord has made!!!”

Last February, 2017, inamin niyang nagdi-date silang dalawa ni Geoff pero walang kumpirmasyon ng kanilang relasyon. Nitong nagdaang September 9, kumalat sa social media ang maternity photos nina Geoff at Maya sa kanilang instagram, bilang sagot na rin nila kung totoong preggy na si Maya, na caption ni Geoff ay “just a couple more weeks my loves.”

So, pagbati na rin kina Geoff at Maya at sa bago muling lola, si Direk Gina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with