^

Pang Movies

Komedyante na-good karma sa ‘di paninira

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Saludo kami sa isang comedian na magaling na front act ng isang music bar sa QC. Napanood na siya sa isang TV show pero hindi nagtagal ay natsugi siya rito. No one knows kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakatsugi.

Nang mawala ang comedian napanood naman siya sa kabilang network. Sa mga interview sa kanya ay wala itong hinanakit sa pinanggalingang show. Basta nagpapasalamat siya sa mga nakasama at sa producer na nagbigay sa kanya ng pagkakataong makalabas sa TV.

Dapat ganyan ang tao. Hindi maghihiganti o maninira kahit pa mawalan siya. Ngayon nga ay hindi nawawalan ng raket ang tsuppatid na comedian. Good karma.

Mayor Dan sa city hall na natutulog!

Grabe palang ka-workaholic si Dan Fernandez na siyang itinuturing na ama ng Sta. Rosa City, Laguna. Totoo pala ang naririnig namin na ilang kababayan na halos sa kanyang tanggapan na nakatira si Mayor Dan dahil sa rami ng mga trabahong inaasikaso niya. From 8 a.m. to 5 p.m. Monday to Friday ay nasa Mayor’s office siya with his staff and all his konseho kasama si Vice Mayor Arnold Arcillas, mga konsehales na sina Roy Gonzalez, City Administrator Manoy Alipon at iba pa. Kasama rin niya ang kanyang reliable staff na sina Elmer, Dennis, Sare, Marge, Tin, Farah.

Mayroon ding rehabilitation sa nasabing bayan para sagipin ang mga kababayan na nangangailangan. Kung mapapansin ninyo, tahimik dito at walang gaanong malalagim na trahedya at kung mayroon man ay mangilan-ngilan lamang. Kaya nga kinilala ang Sta. Rosa bilang ligtas na lugar at tumanggap ng recognition from the Manila Time Philippines ng Model Cities The Safe Heaven Award last May 11, 2017.

Young actor pinatulan ang nang-aakit na aktres

True kaya o parabulas lang ng isang tsuppatid ang kuwento na napangudngod sa matambok na dibdib ng isang napakagandang second lead star ang isang aktor habang nagti-taping sila ng TV series? Sobrang plunging daw kasi ng neckline ng girl na parang inaakit ang pogi at young actor na may pangalan na rin naman.

Sabagay, parang nang-aakit naman kasi talaga ang girl. Na-challenge tuloy ang aktor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with