^

Pang Movies

Empoy ididirek ni Dennis Padilla

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Nagsisimula na pala ang kanyang movie after ng kumita niyang pelikula ni Alessandra de Rossi na Kita Kita si Empoy Marquez.

The Barker, ang title ng pelikula na ididirek ni Dennis Padilla.

First directorial job ni Dennis ang movie na tatampukan din ni Shy Carlos na ayon kay Dennis ay iri-release naman ng Viva Films.

The Barker, according to Dennis, ay tumutukoy sa mga taong nagtatawag ng mga pasahero ng jeep.

Isang hanapbuhay ang pagiging barker at kumikita sila depende sa kung ilang pasahero ang kanilang matatawag. Ang mga jeepney drivers na ang bahalang magbigay sa kanila ng bayad.

Nagsisilbing pantustos ng kanilang pamilya ang kita nila.

“This, movie (The Barker) is in their honor,” ani Empoy. “Naranasan ko ang buhay nila.

“Proud ako minsan ko ring naranasan ang ma­ging katulad nila,” saad pa ni Empoy.

Mother hindi  nakatiis sa kanyang birthday

‘Di rin natiis ni Mother Lily Monteverde na hindi ipagdiwang ang kanayang kaarawan, tulad ng kanyang nakaugalian taun-taon.

Kaya kahit late na, since her birthday ay noon pang August 19 (yes, ka-birthday niya si President Manuel Quezon), Mother Lily invited a few friends sa kanyang in-organize na recent blowout na ginanap sa isang plush restaurant sa Greenhills.

Katulong niya sa pag-istima ng kanyang mga bisita ang mga anak na sina Meme (Sherida) kasama ang kanyang husband na si Stephen, Roselle (na katulong niyang namamahala ngayon ng Regal Entertainment) at Dondon, himself a movie and TV producer na rin, na dumating kasama ang misis na si Grace na isa namang dentist.

At huwag isnabin ang mga bisita ni Mother Lily, as they include, no less than Senator Grace Poe, Celia Rodriguez, ang mag-asawang Boots Anson-Roa and her lawyer-husband King Rodrigo, the husband and wife team din nina Bibeth Orteza and Direk Carlitos Siguion-Reyna, movie and TV directors Joel Lamangan at Chito Roño and noted scriptwriter, Roy Iglesias.

Namataan din namin ang ilang executives ng GMA 7, headed by Joey Abacan na kasama si Ken Chan, TV entertainment hosts Mario Dumaual (TV Patrol) at Lhar Santiago (GMA 7).

Kahit ang mga entertainment writer na dumalo ay mabibilang sa daliri. Ganun pa man, ang talagang maituturing na big time na bisita ni Mother Lily ay ang dating nagtatrabaho bilang producer sa Regal Films, si Pong Mercado.

Pong is now the honorable Mayor ng Taal, Batangas. Marami ang humuhulang gaya ni Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto, magiging governor din si Mayor Pong ng probinsya ng Batangas. As it is kasi, marami na siyang naa-accomplished bilang mayor ng siyudad, kung saan ang sikat na singer and songwriter cum comedian na si Ogie Alcasid ay ipinanganak at lumaki rito.

Na-miss si Manay Ichu Maceda, na palaging present kapag may mga okasyong ipinagdiriwang si Mother Lily.

Manay Ichu, who is the eldest among the children nina late Dr. Jose Perez and his wife Azucena, owners both ng now defunct movie studios, Sampaguita Pictures and Vera-Perez Production is confined daw sa St. Luke’s Hospital sa Bonifacio Global, according to her daughter in-law, the charming Rica (nee Vergara) na dumating kasama ang mister na si Ernest Maceda.

Ernest is President of the Unibersidad de Manila, still according to Rica.

And guess what more, Mother Lily handed each of her visitors a small red envelope (ampau, they call it among the Chinese, according to Mother), bago umalis ang mga ito.

Wow, Mother Lily, thanks. Sana, birthday mo everyday.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with