^

Pang Movies

Gerald susubok na rin mag-produce ng pelikula

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ibinalita ni Gerald Anderson sa presscon niya for CosmoCee last Tuesday na may posibilidad na magkaroon ng sequel ang AWOL na isa sa official entries ng katatapos lamang na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2017.

“Ewan ko kung nabalitaan n’yo nun’g last Saturday, nagkaroon kami ng special screening for the wounded soldier at ‘yun ‘yung first time na napanood ng maraming tao. After nu’n, nag-u­sap-usap na kami kung anon’g gagawin namin sa sequel, so ipagdasal natin na sana, meron pa,” pahayag ni Gerald.

Wish nga rin ng aktor na sana raw ay siya na ang makapag-produce ng sequel dahil isa rin daw ito sa pangarap niya.

“Unti-unti, siyempre, malaking step ‘yan, kasi kung baga, hindi pa ako sanay bilang producer but let’s see, let’s see. Natutuwa lang ako kasi ‘yun nga, nakapasok kami sa PPP, and napanood ng maraming tao rin and I’m so thankful sa magandang reviews, lalong tumaas ang respeto natin sa mga sundalo and it was an entertaining movie,” pahayag ng Ikaw lang ang Iibigin lead actor. Nag-renew si Gerald bilang endorser ng CosmoCee na aniya ay tatlong taon na raw niyang tine-take kaya naman three years na rin siyang hindi nagkakasakit.

“Three years, walang joke. Eto kasi, taun-taon kasi akong nao-ospital, eh. Isang beses akong nagkakasakit per year, tapos sobrang lala. Three years na akong hindi nao-ospital, three years na akong hindi nagkakasakit.

“Pero siyempre, kasama na rin dito ang lifestyle ko. Araw-araw akong nage-exercise, tapos with CosmoCee, with vitamins, and iba pang supplements, talagang malaking tulong,” saad pa ng aktor.

Sa nasabing presscon ay inanunsyo rin ng Bargn Pharmaceuticals owners na sina Nino Bautista at John Redentor Gatus ang pagbubukas ng pinakabago at fully integrated manufacturing facility ng Bargn Laboratories sa Dasmariñas Technopark.

Tinatayang 6800sqm ang sukat ng facility na siyang pinakamalaking property ng Bargn ngayon.

 Miss Saigon veterans sanib-pwersa sa concert

Sa isang pambihirang pagkakataon ay magsasama-sama ang mga Miss Saigon veterans na sina Tricia Canilao, Jon Joven, Christine Marquez, Miriam Marasigan, and Meliza Reyes sa isang high-end concert titled Off-Broadway Manila on Sept. 15 na gaganapin sa Manila House, Net Park Building, BGC.

Tricia was part of Miss Saigon in Holland which means she sang the songs in Dutch. She played Kim, Gigi and Ellen throughout her stints on the show. She, together with Viva Admovers, Inc. President and COO Jerianne Ejercito are producing the show under Magnifique, Manila.  

Si Miriam naman ay gumanap na Kim sa Miss Saigon sa UK, Australia at dito rin sa ating bansa.

Papel na Kim din ang ginampanan ni Meliza sa Miss Saigon in Germany, at si Christine naman ay gumanap na Gigi here in Manila, Australia and UK Tour.

Si Jon naman ay gumanap na Thuy sa Miss Saigon in Germany and before this, dati siyang That’s Entertainment member ng yumaong si German Moreno.

Kasama rin nila sa nasabing show ang newest and hottest leading man sa musical theater na si Laurence Mossman na katatapos lamang ng successful sold-out Philippine version of the award-winning Broadway musical na Kinky Boots kasama si Nyoy Volante.

Imagine na pagsama-samahin ang mga best of the best singers na ito in one show, wala na kaming masasabi kungdi “wow”, lalo pa nga’t ang musical director nila ay si Rony Fortich na dating musical director ng Hong Kong Disneyland.

By the way, Tricia and Laurence had just signed up with Viva Artists Agency (VAA) at masayang-masaya sila to be part of Viva family.

“Boss Vic (del Rosario, Viva’s big boss) said a while ago that he really loves theater, so for us, that means a lot. We’re very happy that we’re a part of Viva family,” pahayag ni Tricia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with