^

Pang Movies

Kris mali ang natahulan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kris mali ang natahulan!

Kris Aquino

Barking at the wrong tree si Kris Aquino. Talakan niya ang event orga­nizer ng first birthday ng anak nina James Yap at Mic at hindi si Ricky Lo, huh!

Isa pa itong si Mic, walang proper coordination sa organizer. Magsisinungaling ba ‘yon kung talagang hindi niya alam na hindi darating sa selebrasyon si Bimby.

At take note, nagawa pa niyang bumuga kay Ricky, huh! 

Si Kris naman, binanggit pa ang batas tungkol sa protection sa mga bata. As if naman, walang knowledge tungkol dito ang Philippine Star entertainment editor, huh!

Kaya nakatikim siya ng buwelta kahapon sa column niya sa PhilStar sa taong malaki rin ang naitulong sa kanyang showbiz career! Kung may nilabag na batas si Ricky sa sinulat niya, malaya naman siyang magsampa ng reklamo.

Dahil sa pangyayaring ito, hayun, baka raw nagme-menopause na si Kris ayon kay Manay Lolit, huh!

Bahay nina Vic at AiAi giba na!

Giba na ang Hay Bahay nina Vic Sotto at AiAi delas Alas. Last taping day na kahapon ng GMA Sunday sitcom at bukod kina Bossing at AiAi, present ang iba pang cast gaya nina Oyo Sotto, Kristine Hermosa, Jose Manalo, Wally Bayola, Pilita Corrales at iba pa.

Of course, may bagong sitcom na muling pagsasamahan sina Vic at AiAi. Natapos na ang pictorial nila pero sa cast ng Hay Bahay, tanging si Oyo lang ang nakita naming kasama sa bagong sitcom.

September ang target telecast ng untitled sitcom nina Vic at AiAi pero may ipinalalabas ng teaser sa YouTube channel. Bahagi ito ng bagong contract ng Comedy Queen sa Kapuso Network. Sa October naman ang showing ng movie niyang Bes & The Beshie under Cineko Productions.

Derek aprub na bagong leading man ni Jennylyn

Wala nang gusot sa pagpalit ni Derek Ramsay kay Jericho Rosales sa Quantum 2017 MMFF entry na Almost Is Not Enough. Lumusot na sa MMFF Selection Committee sa natapos na monthly meeting ng Executive Committee ang request ni Atty. Joji Alonso na si Derek ang magiging kapalit ni Echo sa Dan Villegas movie.

Unang nagsama sina Jen at Derek sa 2014 MMF entry na English Only, Please. As we all know, isa ito sa top moneymakers ng festival kung saan wagi si Jen ng unang Best Actress sa MMFF.

Bilang dagdag na atraksyon, dadayo sa isang bayan sa North Taiwan ang cast at production upang gawin ang ilang mahahalagang eksena roon.

Sa nasabing meeting, inaprubahan din ang pagpapalit ng title ng entry nina Vic Sotto at Dawn Zulueta, at ang movie nina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with