^

Pang Movies

Mga nangyayaring tokhang sinundan ng Amo…

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sa bagong Vertis North Hotel ginanap ang grand launch ng mini-series na Amo directed by the award-winning director Brillante Mendoza, na ang tema ay tungkol sa Philippine government’s war on drugs. 

Bakit matagal nang napabalita ang Amo, pero ngayon lamang ipalalabas?

Ayon kay Direk Brillante, tinapos muna niya ang ilang episodes ng mga story tungkol sa mga festival na ginagawa sa iba’t ibang lugar ng bansa na napanood sa TV5 every last Sunday of the month at doon din papasok ang 12-episode mini-series na magtatampok kina Vince Rillon, Allen Dizon, Felix Roco, Apollo Abraham, Archie Adamos at Derek Ramsay. Dito raw kasi sa Amo, parang isang pelikula ito na may post production dahil gusto nilang ipakita ang kabuuan ng story na nagsimula sa isang high school student na nagbebenta ng shabu sa fellow gang members niya into a bigger market in Metro Manila. Ipakikita rin dito ang kontrobersiya sa Philippine National Police sa campaign nila against drugs at kung paano nila i-enforce ito.

Si Derek naman ay bilib na bilib kay Direk Brillante, na first time niyang nakatrabaho. Lahat daw ng narinig niya tungkol sa mahusay na director ay totoo pala. Kaya raw nang i-offer sa kanya ang project, hindi siya nagdalawang-isip, hindi siya nagtanong kung ano ang kanyang role, hindi niya inalam kung siya ba ang bida, basta nagustuhan daw niya ang project.

Ang Amo ay mapapanood na sa TV5 simula sa August 20, 2017, every Sunday, 9:30pm.

Andrea and Solenn nagbabadya ang patalbugan

Maraming na-excite nang i-announce ng GMA 7 na magkakaroon ng book two ang Alyas Robin Hood ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na ilang buwan lamang namahinga. Bitin daw kasi iyong book one na nagtapos na nakidnap si Jaclyn Jose. Muling makakasama ni Dingdong ang buong cast, maliban kay Megan Young na namatay na sa story ng book one. Naroon pa rin sina Jaclyn, Andrea Torres, Rob Moya, Dave Bornea, Lindsay de Vera, Rey Abellana at marami pang iba.  Ano ang inaasahang pagbabago ng mga televiewer sa Alyas Robin Hood 2?

“Todo na talaga dito,” sagot ni Dingdong. “Nang malaman kong tuloy na, nag-training na ulit ako ng bago kong pwedeng gawin. Grateful din kami sa response ng mga tao sa unang season namin. Kung hindi dahil sa kanila, ‘di kami magkakaroon ng pangalawa. Kaya sisiguraduhin namin ngayon dodoblehin namin ang mga action scene na ini-expect nila sa amin.

“Si Dominic Zapata pa rin ang magdidirek sa amin kaya masaya, walang problema at on good terms kaming lahat sa set dahil tulung-tulong ka­ming magpapaganda ng show.”

Tatlong bagong characters ang papasok sa ARH 2. Si Edu Manzano na excited and honored nang makasama si Dingdong, dahil bilib siya rito sa pagiging mahusay na artista, at mabuting asawa kay Marian Rivera at sa dedication nito sa anak na si Baby Letizia.

Na-excite din si Ruru Madrid nang malaman niyang kasama siya sa cast ng ARH 2. Muli siyang mag-aaction dito tulad din nang ginawa niya sa Encantadia at masaya siyang muling makasama si Dingdong dahil character nito sa Encantadia ang ginampanan niya.

At si Solenn Heussaff ang magiging bagong leading lady ni Dingdong. Masaya rin si Solenn dahil muli rin siyang mag-aaksyon tulad nang ginawa niya sa Encantadia. At tiyak ang labanan nila ni Andrea Torres hindi lamang sa mga action scenes kundi sa paseksihan sa mga eksena.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with