^

Pang Movies

Sen. Kiko napuruhan sa reklamo ni Sharon sa EDSA!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sen. Kiko napuruhan sa reklamo ni Sharon sa EDSA!

Sharon

“Mahal na mahal talaga tayo ng EDSA!!! Tatlong oras lang naman ang binyahe ko mula Alabang hanggang QC!...” reklamo ni Ms. Sharon Cuneta sa kanyang social media account.

Pero dahil doon nakatikim ng kung anu-anong pambabatikos ang mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan. Ayon sa kanyang ibang followers bakit sa social media siya nagrereklamo, bakit hindi sa kanyang mister na nakailang taon sa pagiging senador pero wala raw namang naitulong para maisaa­yos ang traffic sa Metro Manila?

Say pa ng ibang followers ni Sharon imbes daw sanang sumalungat si Sen. Kiko sa mga proyekto ng kasalukuyang pamahalaan ay hindi na lang ito tumulong sulusyunan ang traffic sa bansa.

Hindi lang naman si Ms. Shawie ang nag-iisang nagrereklamo sa traffic. Grabe na kasi talaga at wala na talagang matatawag na rush hour. Ang dami na kasing sasakyan sa kalye lalo na nga at super cheap ang mga downpayment kung gusto mong magkakotse.

Sana nga ay maayos na ang traffic na kung tutuusin ay may kasalanan din naman ang mga wala nating disiplinang driver.

Angelina

Angelina na-high blood at nagka-bell’s palsy sa sobrang stress

Nagkaroon din pala ng Bell’s Palsy ang Hollywood actress na si Angelina Jolie. At nakatulong sa kanya para maka-recover agad ang acupuncture.

Bukod doon ay nagkaroon din siya ng hypertension.

Sa sobrang stressed daw kasi ang dahilan ng mga nasa­bing pinagdaanan ng Hollywood actress na ex ang actor na si Brad Pitt.

Ang local actress na nagkaroon ng Bell’s Palsy kamakailan lang ay si Angelu de Leon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with