^

Pang Movies

Donita tatlong taon bago natanggap ang kapalaran sa dating asawa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Naka-move on na ang aktres na si Donita Rose dahil divorced na siya mula sa estranged husband na si Eric Villarama.

Pero kailangan pa raw mag-file siya ng annulment dito sa Pilipinas.

“I’m actually divorced. Na-finalize siya nung December of last year.

“Nalaman ko kasi Filipino citizen rin ako, kailangan palang mag-annulment pa rin ako so that’s gonna take... I’m only going to start now sa annulment process.

“I was married in the US. Pero hindi pa kasi ako Filipino citizen noong ikinasal kami.

“Then nung naghiwalay na kami, akala ko divorce will be enough because sa US kami ikinasal.

“Then nalaman ko kapag Filipino citizen ka, you have to also get an annulment,” diin pa niya.

Tatlong taon din daw ang tiniis ni Donita bago siya maka-move on sa paghihiwalay nila ni Eric.

“I think medyo fully healed na, nakapag-move on na.

“One of the reasons why I know na nakapag-move on na ako is because ‘yung son ko, he went to visit his dad for three months.

“Noong una parang ayaw ko kasi parang ang sama-sama ng loob ko, but I realized na meron pala akong hang-ups pa rin sa nangyari. I had to get over it.

“It changed me. Now I’m able to think straight again. I can laugh at life and enjoy everything,” ngiti pa niya.

Dahil naka-move on na, marami nang gustong gawin si Donita ngayon.

“Yes, completely healed na. Alam n’yo barista rin ako. Nag-aral ako ng coffee, ‘yung pagiging barista. And so every day when I do my latte art, gumagawa ako ng heart. Dati, wasak ang puso ko, ngayon buong-buo na siya.”

Drama actor takot na takot masingitan

Noon pa man ay marami na ang hindi nagugustuhan ang pagiging mayabang at masyadong pa-impress ng drama actor na ito.

Gusto niya ay sa kanya lagi ang atensyon ng buong staff at may feeling na ang galing-galing niyang umarte.

Pero nakita na ng ilang production staff ang weakness nito, lalo na kapag may ibang aktor na kasama sa show na kinabibilangan niya. Mabilis daw itong ma-insecure lalo na kapag nakikita nitong kinaaaliwan ang ibang aktor sa show.

Sa naging huling teleserye ni Drama Actor A (DAA), sobra ang pagkaka-insecure nito sa kanyang co-star na si Drama Actor B (DAB) kaya panay daw ang tanong nito sa mga eksena niya sa mga writer ng teleserye. Tila inaalam niya kung nabawasan ba ang mga eksena niya.

Pakiramdam kasi ni DAA na muli na naman siyang mapag-iiwanan dahil kasama sa cast si DAB na maganda ang PR sa mga tao sa set.

Paborito nga raw ng staff si DAB dahil mahilig itong makipagkuwentuhan at makipaglokohan. Kahit nga raw pagod ito, very accommodating sa mga gustong magpa-selfie sa kanya.

Hindi raw tulad ni DAA na feeling magaling at feeling sikat. Nagpaskil pa raw ito ng note sa kanyang tent na kapag naka-earphones siya ay hindi siya puwedeng abalahin. At kapag nasa loob na siya ng tent, hindi siya lalabas para makipag-selfie sa kahit kanino.

Kaya mas marami tuloy ang may gusto na kay DAB dahil wala nga raw ere sa katawan ito at madaling kausapin. Hindi raw tulad ni DAA na hindi mo puwedeng malapitan at kailangan idaan lahat ng pakiusap sa kanya sa manager nito.

Kaya super-effort si DAA na maging approachable dahil ramdam niya ang backlash ng kanyang pagiging “feeling” sa set.

Pero kahit gano’n pa man, pinipili pa rin ni DAA kung sino ang papakitaan niya ng kanyang PR. Mas nandoon daw siya sa grupo ng mga writer dahil may kung anong agenda siya na halatang-halata.

Buking nga ang hindi magandang ugali ni DAA dahil gusto niyang makasiguro na mas nakakaangat ang role niya kesa kay DAB kaya parati itong may dalang pasalubong sa mga writers ng show.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with