^

Pang Movies

Sarah naghihintay lang ng alok na kasal ni Matteo?

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Tuwang-tuwa sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa presence ni former ABS-CBN president and CEO and now Chief Content Officer ng network na si Charo Santos-Concio, sa premiere ng pelikula nilang Finally Found Someone, na kasalukuyang showing na sa 240 theaters nationwide.

Si Ma’am Charo raw kasi ang madalas nagtatanong kung kailan sila muling magsasama sa isang pelikula.

Obvious na alam ni Ma’am Charo na four years ago na nang huling magtambal sila sa It Takes a Man and a Woman.

Lalong natuwa sina John Lloyd at Sarah, when together with Malou Santos, managing director ng Star Cinema, which produced Finally Found Someone with Viva Films, and Direk and Creative head, Olive Lamasan, Ma’am Charo congratulated them for a job well done.

By the way, how true na sa buong buwan ng August, “magpapahinga” raw muli si Sarah?

Kung sabagay, baka ang pagpapahinga ni Sarah ay para sa paghahanda ng pelikulang kanyang gagawin, ang local adaptation ng Miss Granny na isang blockbuster Korean film.

At 29, binanggit si Sarah na di pa niya tiyak kung gugustuhin na niyang mag-asawa o hindi pa.

Hindi kaya hinihintay lang ni Sarah na yayain na siya ni Mateo Guidicelli? Three years na rin silang mag-on.

Well, nagtatanong lang.

Derek ayaw pang ikanta ang gagawin nila ni Jennylyn

Tiyak na raw ang pagtatambal nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado sa isang pelikula.

Well, balita rin mismo sa amin ni Derek na wala pa siya sa posisyon para i-reveal ang detalye ng naturang project.

Although, anytime soon, they will start shooting na for the movie na alam na rin niya ang title.

Samantala, equally excited si Derek sa kanyang current project for TV5 na kanyang home studio. Ito ‘yung TV series na Amo na idinidirek ng award-winning director na si Brillante Mendoza.

Twelve part series daw ang Amo, na magsisimulang ipalabas tuwing Linggo simula sa August 20.

Very now and relevant daw ang subject na tinatalakay ng Amo, dahil tungkol ito sa drugs, na kahit rampant and rigid ang pagnanais ng gobyerno na masupil at matigil ito ay, kumbaga, in vain.

Gumaganap na pulis si Derek sa Amo at feel na feel niya raw ang kanyang role, since alam daw niya kung gaano kapanganib ang drugs, lalo’t sa ating mga kabataan.

Maliban sa kanya, kasama rin ni Derek sina Allen Dizon, Alvin Anson at Felix Roco. Ang baguhang teenage actor na si Vince Rillon ang assigned to play the role ng teenager na nagtutulak ng droga.

May special role naman si Baron Geisler.

Yohan Hwang markado na ang pagiging singer

Samantala, tiyak daw ni Yohan Hwang, Korean charmer and the first I Love OPM winner na kung magkaka-girlfriend siya, gugustuhin niyang ito’y isang Pilipina.

Ang I Love OPM ay isang original competition noong 2016 na ginawa ng ABS-CBN. Mga foreigner ang mga contestant sa nasabing show.

Nanalo si Yohan, 21, ng cool cash prize of P2M, yes, 2 million pesos. Plus a recording contract with Star Music.

Markado na ngayon ang pagiging recording talent ni Yohan. Yes, with the release of his debut album, self-titled, na ang mga songs featured ay mga paboritong awitin ni Yohan na may Korean version din.

“Si Yohan mismo ang nag-translate sa Korean ng mga awiting nasa album,” ani Rox Santos na producer ng album. “Kaya, ang mga awiting nasa album ay available sa Melon, ang sikat na online store ng South Korea.

“Dito sa Pilipinas, it is streamed via Spotify and can be purchased na in record bars natiowide.

“The album’s carrier single is Bituin Escalante’s Kung Ako Na Lang Sana, na ang Korean version is titled naman Nayotdamyon.”

By the way, ang kanta sa album ni Yohan na You Made Me Stronger, na ang orihinal na kumanta ay si Regine Velasquez, ay ang theme song ng nagbabalik na Korean series na Love In The Moonlight, on ABS-CBN.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with