^

Pang Movies

Jose balik-Bulaga na?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mukhang big day na naman ngayon sa Eat Bulaga na patuloy na nagsi-celebrate ng kanilang month-long 38th anniversary. Ayon kasi kay Joey de Leon, may malaking sorpresang ipapaalam ang show sa mga sumusubaybay.

May naiibang concert din ang gagawin ng Broadway Boys at makakasama nila sina Isay Alvarez at Robert Seña.

Isa ring hinihintay ay kung babalik na sina Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo) dahil ilang araw nang sa Juan For All All For Juan segment nila sa EB ay nakakatanggap ng tawag si Lola Nidora (Wally Bayola) sa dalawang kapatid at promise niya sasalubungin niya ito. Sila ba ang isa pang sorpresa sa show, at ang tanong kung ibabalik nga ba ulit ang Kalyeserye?

Seryoso rin ang mga magkaka-partner sa contest na #DabarkadsGoals: The UltimateBattle. 

Ken may ibang katambal na

Kahit tapos na ang rom-com series ni Ken Chan na Meant To Be with Barbie Forteza, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raz, nakakatanggap pa rin pala siya ng bashings sa fans na ayaw na siya ang naging katuluyan ni Barbie sa series. Kahit minsan ay nasasaktan, hindi raw siya pumapatol at sa halip at nila-like pa niya ang account ng basher o di kaya nagpapasalamat pa siya.  Ngayon daw iyong mga basher niya, followers na niya.

Muling magtatambal sina Ken Chan at Starstruck 6 first runner-up Ayra Mariano sa naiibang love story ng Magpakailanman sa Saturday, July 22, sa episode na Our Viral Love: The Lance Fernandez & Ella Layar Story na dinirek ni Albert Langitan.  

Gagampanan ni Ayra ang role ni Ella na isang PWD dahil bata pa ay nagkaroon na siya ng polio at lumiit ang mga binti niya. Pero hindi iyon nakapigil kay Ella para hindi siya magpatuloy ng pag-aaral at magkaroon din ng lovelife, dahil minahal siya ng kaklase niyang si Lance (Ken), na hindi tiningnan ang kanyang kapansanan.

Masaya si Ayra dahil first time niyang makapag-guest sa Magpakailanman. Natuwa rin siya na si Ken ang katambal niya dahil una na silang nagkasama sa Meant To Be. 

Wala pa siyang bagong project pero madalas siyang mag-guest sa ibang shows ng GMA 7.  Bukod sa muli siyang kinuhang endorser ng isang beauty product kung saan siya unang nakilala, wish ni Ayra na makapag-host ng isang show.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with