^

Pang Movies

Direk Joyce may pahaging sa paglipat ni Piolo!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Nilinaw ni Bb. Joyce Bernal na hindi talaga lilipat si Piolo Pascual sa GMA 7 tulad ng napapabalita. Namataan kasi si Papa Pi sa bakuran ng Kapuso network kamakailan at siyempre, ano pa ba ang susunod na tsismis pagkatapos nito?

As per Direk Joyce’s explanation, sinundo siya ni Piolo nang gabing iyon sa GMA 7 compound. May proyekto kasing ginagawa ang direktor sa Kapuso at ito nga ‘yung My Love From The Star nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva na kasalukuyang umeere.

Madalas daw talagang gawin ni Piolo na puntahan siya sa mga taping niya dahil nga may mga kailangan silang pag-usapan regarding Spring Films, ang production outfit nila kung saan ay magkakasosyo sila nina Papa P at manager niyang si Erickson Ramundo ng Cornerstone.

“Hindi siya lilipat,” ang paninigurado ni direk Joyce nang makatsikahan namin siya sa presscon ng Kita Kita na latest project ng Spring Films.

Gaano siya kasigurado na hindi lilipat si Piolo?

“Well, this year, hindi siya lilipat,” natatawang sagot ng director na ikinatawa ng lahat.

Pero dagdag ni Direk Joyce, talagang marami silang gagawin ngayon sa Spring Films kaya pati si Piolo ay magku-concentrate rin sa produksyon.

“’Yung gagawin namin sa production, it’s regional na. Gusto naming ma-tap ‘yung Asia, mag-start kami ng ayan, kagaya niyan, hindi masyadong sikat na artista, ganu’n ang gagawin naming pelikula pero ‘yung magiging market sana namin, medyo Asia,” deklara ni Direk Joyce.

Hindi naman daw balak kumpetensiyahin ni Piolo ang Star Cinema.

“’Yung mga hindi pwedeng gawin, ‘yun lang ‘yung ipo-produce niya. Parang ganu’n na ‘yung utak niya,” she said.

Pagkatapos ng Kita Kita na pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi and Empoy Marquez na showing na sa July 19, may mga naka-line-up na raw na next projects ang Spring Films.

May follow-up movie raw silang gagawin para kay Empoy, ang Tondo Undead na comedy-horror. May Aga Muhlach starrer din sila na gagawin daw ng aktor after ng Star Cinema movie nito at mayroon din silang trilogy film na ididirek nilang tatlo nina Antoinette Jadaone and Irene Villamor.

?Direk Cathy may takot kay Aga

Aminado naman si Direk Cathy Garcia-Molina na “scared” siya na makakatrabaho niya si Aga Muhlach.

“I am so scared to be working with ‘the’ Aga Muhlach. I have never worked with him. Lagi lang akong AD (assistant director) lang niya since Basta’t Kasama Kita, that was the first time we worked together and then, sunod-sunod, naging AD niya ako,” kwento ni Direk Joyce nang makatsikahan ng mga TV reporters sa story conference ng pelikulang Seven Sundays under Star Cinema na ididirihe niya starring Aga, Dingdong Dantes, Enrique Gil and Cristine Reyes.

Lagi nga raw siyang binibiro ni Aga na kelan naman sila gagawa ng movie under her direction, ang lagi raw niyang isinasagot ay ayaw niya dahil nga natatakot siya.

“Hanggang ngayon, ayoko pa rin,” natatawa niyang sabi.

“Aga Muhlach na kasi siya, eh. Parang I will always feel like a newbie sa harap ni tito Ron (Ronaldo Valdez na kasama rin sa cast) at saka  ni Aga,” she said.

Biro pa niya, “paano ka naman sasabihin kay Aga na ‘Ga, take 2’ ‘di ba? Pano mo sasabihing ‘Aga, bawas, dagdag’. Sabihin niya, ‘best actor na ako’.  Ang hirap, ang hirap.  Really.

“But I’m really honored na pumayag siyang idirek ko siya, saka si tito Ron. Ngayon lang din kami ni Tito Ron sa movie, sa TV oo. And I am excited as much as scared. And nervous, rather na makatrabaho sila,” sey ni Direk Cathy.

Kung “scared” ang direktor ay nerbyos naman ang nararamdaman ni Aga pero sobrang honored din daw ng aktor na mabigyan din siya ng pagkakataon na maidirek ni direk Cathy na alam naman ng lahat na hindi lang magaling kundi box-office director pa dahil halos  lahat ng peliku­lang idinidirek niya ay nagiging box-office success.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with