^

Pang Movies

Regine pumayag maging pokpok!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Joking lang si Regine Velasquez sa pralala nito na da­ring siya sa bagong movie na gagawin sa Viva Films.

Playtime ang sinabi ni Regine na “Pokpok” ang title ng kanyang movie project sa Viva Films at may sub-title ito na Ang Babaeng Karpintero.

In all fairness, seryoso si Boss Vic del Rosario na i-revive ang movie career ni Regine. Confident si Boss Vic na tatangkilikin ng madlang-bayan ang next movie project ni Regine dahil blockbuster ang lahat ng pelikula nito sa Viva Films.

Julia Roberts of the Philippines ang bansag noon kay Regine dahil mga romantic love story ang project niya sa Viva Films. Pareho sila ni Julia na mga romantic love story ang mga pelikula na pinipilahan sa takilya.

Francine hindi kayang tiisin ang asawa

Hindi kasali si Francine Prieto sa gulo na kinasangkutan ng kanyang American husband na si Frank Shotkoski pero hihingi rin siya ng paumanhin sa mga immigration official na namura ng mister niya.

Sinabi ni Francine sa presscon ng Haplos na bilang Pilipino, ready siya na mag-apologize sa immigration officers na na-hurt ni Frank.

Ang sey ni Francine, personal siya na nagpunta sa opisina ng Bureau of Immigration and Deportation noong Martes para ayusin ang problema ni Frank na pinabalik sa Singapore noong Linggo.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago, puwede nang bumalik ngayon, Huwebes, sa Pilipinas ang dyowa ni Francine para personal na mag-apologize.

Can’t afford si Frank na hindi bumalik sa bansa natin dahil love na love niya ang Pilipinas, bago pa sila nagkakilala ni Francine.

Talagang minalas lang na nalag­lag siya sa escalator ng Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport noong Sabado ng gabi na pinag-ugatan ng kalbaryo niya.

Nakapagmura si Frank dahil sa mga sugat at gasgas sa katawan na ti­na­mo niya nang malaglag siya sa escalator na nakahinto at walang war­ning sign.

Hindi lang si Francine ang aktres na may American husband na kasali sa cast ng Haplos dahil starring din si Patricia Javier na Amerikano rin ang dyowa na chiropractor.

Supportive husband si Dr. Rob Walcher dahil pinapayagan niya na tumanggap ng movie at television assignment si Patricia.

Knows kasi ni Papa Rob na  first love ni Patricia ang family nila at second love ng misis niya ang acting.

Lucky wife si Patricia dahil puma­yag si Papa Rob na mag-migrate sila sa Pilipinas para ma-resume niya ang kanyang showbiz career.

Mabuti na lang, booming din ang wellness clinic ni Papa Rob dahil worth of mouth ang galing niya bilang chiropractor.

Sa true lang, nang bumalik ang pamilya nila sa Pilipinas, nauna pa si Papa Rob na mapanood na umaakting sa teleserye ng GMA 7 kesa kay Patricia. Si Papa Rob ang gumanap noon na American father ni Andre Paras sa That’s My Amboy.

Sanya at Rocco walang aksyon ang relasyon

Sumusumpa si Sanya Lopez na close friends pa lamang sila ni Rocco Nacino, kahit marami ang nagdududa na may relasyon na sila na diumano, nag- umpisa sa set ng Encantadia.

Pero may mga naniniwala na hindi pa humahantong sa relasyon ang closeness nina Rocco at Sanya dahil mahahalata naman daw sa mga kilos at tinginan ng dalawa.

Hoping ang Rocco-Sanya fans na makakatulong ang madalas na pagsasama nila sa taping ng Haplos para maging for real na ang for reel loveteam nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with