^

Pang Movies

Beauty queen nagpapa-controversial, nagamit sina Sarah, Nadine, at Yassi?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Beauty queen nagpapa-controversial, nagamit sina Sarah, Nadine, at Yassi?!

Sarah, Nadine, at Yassi

Parang nagamit naman sina Sarah Geronimo, Nadine Lustre, Yassi Pressman, o maging si Sarah Lahbati sa mga emote sa social media ng dating Miss Manila runner-up na si Ganiel Krishnan na isa sa mga naging host noong Sabado sa PICC.

Kumalat kahapon ang mga emote nito tungkol daw sa mga artistang mayayabang na ngayon. At nag-adjust na lang daw siya sa hindi makapaniwalang kayaba­ngan ng aktres na ito nang palayasin siya sa dressing room.

Hindi niya pinangalanan kaya may ilang nanghula na baka isa kina Sarah, Nadine, Yassi, o Sarah L. dahil nga naging part sila ng Miss Manila. Pero maaga naman s­iyang nag-deny. Hindi raw ang mga nabanggit na alaga ng Viva na bahagi ng coronation night ang tinutukoy niya.

Ang isa sa naging suspek ay si Ella Cruz. Pero nang kinokontak si Ganiel ng pep.ph, hindi siya sumagot. At I let go na lang daw ‘yun susog sa kanyang emote sa Twitter.

Ano ‘yun nagpapa-controversial siya? By the way, ang sportscaster na naging 2016 Mutya ng Pilipinas Asia-Pacific ay kapatid ng kandidata sa Miss Manila 2017 na si Glenn Krishnan na alam ng lahat na kamukha ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na isa naman sa mga hurado that night pero hindi man lang nakasali sa Top 15 samantalang inasahang magiging malakas ang laban niya.

In all fairness sa Miss Manila maingay na maingay ang naging coronation night nila ha.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with