^

Pang Movies

Alden nagkandaligaw-ligaw sa HK airport!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden nagkandaligaw-ligaw sa HK airport!

Alden Richards

Kahit si Pambansang Bae Alden Richards, pinagtawanan ang sarili nang magkaligaw-ligaw sa paglabas ng Hong Kong airport nang mag-isa siyang dumating last Monday morning to join the Dabarkads ng Eat Bulaga. Literally, first time iyon ni Alden na mag-isa lamang pumunta ng Hong Kong. Madalas na stop-over lamang siya roon at noong concert niya last December, may mga kasama naman siya.    

Dahil Monday, kaunti lamang ang sumalubong na fans kay Alden na thankful na kahit nagmamadali siya ay nakuha pang magpa-picture at mag-sign ng autograph. May fans na hindi na siya inistorbo dahil hinihintay siya for lunch ng Dabarkads at may sundo raw siya. Pero hindi pala alam ni Alden kung saan dadaan palabas para sa pick-up ng sundo.

Kuwento ng nag-post ng picture at nag-caption na natawa raw sila dahil akyat-baba ng escalator si Alden dahil naligaw ito kaya huminto muna at may tinawagan at saka pa lamang nakalabas. Sumunod daw sila at nag-guide kay Alden. Kaya pala nari­rinig sa video ang ‘left ka Alden.’ Nang finally ay nakita na niya ang sundo, sumunod pa rin ang fans para raw sure silang makararating nang safe si Alden sa hotel. Kinunan nila ng picture ang car at plate number nito.

Safe nakarating si Alden sa hotel at inabutan pa niyang naghihintay ang Dabarkads with Mr. Tony Tuviera and wife, mag-asawang Vic at Pauleen Sotto, Joey de Leon and wife Eileen. Namasyal at nag-shopping sila at sina Alden at Maine Mendoza ang naging yaya nina Baeby Baste at Ryza Mae Dizon. Sina Alden at Maine ang paboritong kunan ng larawan ng mga kasama kaya maraming pinagpiyestahang posts ang fans sa Instagram accounts nina Pauleen Luna-Sotto, Ryza Mae, Ruby Rodriguez, Paolo Ballesteros. Isa na rito iyong pose nila sa isang car na sa halip na numbers ang plate number ay “I Love You” ang nakalagay.

Kahapon ay nakita silang namasyal sa Disneyland.

Pabalik na today, Wednesday ang Dabarkads at bukas, live na ang Eat Bulaga. 

Jennylyn ginulat ng mga bata sa Canada

Mag-isa ring lumipad pa-Toronto, Canada si Jennylyn Mercado para sa isang show sa Metro Toronto Convention Centre for GMA Pinoy TV. Hinangaan si Jen sa mala-Steffi Chavez character outfits niya sa romantic-comedy series, ang Pinoy adaptation ng Koreanovelang My Love From The Star. Nabalitaan daw kasi ni Jen na hit sa Canada ang kanilang romcom kaya gusto niyang dumating doon na in-character, kaya nag-effort siyang magsuot ng tulad ng isinusuot niya as Steffi Chavez.

Pero si Jennylyn daw ang nagulat nang during the show, may mga batang gumaya sa outfit niya at may ilan pang nag-rap tulad ng ginagawa niya sa soap. Kaya lalo raw siyang na-inspire na pagbalik sa taping ng My Love From The Star ay mas marami pa silang gawing magagandang eksena ni Gil Cuerva as Matteo Domingo. 

Davao Ipinakita agad nina Carla at Tom 

Nagsimula na nga ang romantic-comedy series nina Carla Abellana at Tom Rodriguez na I Heart Davao na nag-trending sa Twitter ang pilot episode noong Monday. Nagpakita na sila agad ng magagandang lugar sa Davao, at mabilis ang pacing ng story na ipinakita agad na may heart condition si Hope (Carla) at ang aksidenteng nangyari sa girlfriend ni Ponce (Tom) na ang puso ay maililipat kay Hope. 

Sa direksyon ni Marlon Rivera, napapanood ang I Heart Davao pagkatapos ng My Love From The Star.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with