^

Pang Movies

AiAi at Gerald hindi nagtatagal ang away

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
AiAi at Gerald hindi nagtatagal ang away

AiAi delas Alas

Wala nang atrasan, totoo na ito at dapat lang para sa isang mabait na nilalang, anak, ka­patid, kaibigan, at dakilang ina ng mga anak niya, walang iba kundi ang magaling na aktres, premyadong komedyana na si AiAi delas Alas.

Yes totoo lalo’t nauna nang lumabas sa co­lumn ni Lolit Solis at mula rin sa tsika ni Gorgy Rula na December bride si AiAi, at ang lucky groom ay si Gerald Sibayan.

May blessings na ang parehong pamilya nina AiAi at Gerald. Para sa kanila ay napakaganda raw ng napili nilang buwan sa kanilang pagpapakasal, taglamig at masarap ang simoy ng hangin.

Matagal na rin naman ang relasyon nina Gerald at AiAi. Although mayroon man silang sigalutan paminsan-minsan, bahagi na rin ‘yan ng mga mag-lovers, pero hindi nila pinatatagal at lalo pang pinagtitibay ang kanilang relasyon at ngayon nga, heto na at malapit na silang pag-isahin sa harap ng altar ng simbahan na choice bilang mag-asawa.

Best wishes! Congratulations, may the good Lord Jesus bless you both sa nalalapit niyong pag-iisang dibdib! Clap! Clap! Clap!

Maraming pari, madre, at seminarista ang nagdadasal sa pagtahak nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan sa bagong yugto ng kanilang buhay at maging ang ibang tao na natulungan ni AiAi, si Rev. Fr. Dode ng Our Lady of the Most Miraculous Church sa Golden City, Sta. Rosa Laguna ay isa sa masaya at humahanga sa komedyana, isa kasi si AiAi sa mga naging donor sa construction ng simbahan.

Ryzza at Baste lume-level up

Grabe na talaga si Baeby Baste ng Eat Bulaga. Ang galing-galing niya kumanta at may pagka-tenor ang boses niya. Magaling din siya sa timing, daig pa nga ang ibang trying hard, at sa totoo lang marami na rin siyang fans.

Okay na ‘yung pagka-chubby niya at maging si Ryzza Mae Dizon tutal mga bata pa sila. Si Ryzza, Mae Inglesera na huh! Good job Ryzza and Baste!

La Luna pumapalo sa ratings

Halos kaka-start pa lang ng La Luna Sangre ng Star Cinema sa Kapamilya pero aba, garutay na ang ratings, nakakuha sila sa first airing ng 30%. Aba, super saya ang production staff lalo na si Direk Cathy Molina Garcia.

Ibig sabihin talagang nakaantabay na ang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

How much more raw kung day one pa lang ay magkasama na sila sa episode, grabeh! Malakas pa rin talaga ang hatak ng tambalan ng KathNiel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with