^

Pang Movies

Bela bagong Dyesebel?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kumawala na si Bela Padilla sa kanyang sweet image kaya naman ibinuyang­yang na niya ang kanyang kaseksihan sa latest photos niya sa kanyang Instagram account.

Pahinga muna sa taping si Bela kaya dagat ang naging destinasyon niya nitong nakaraang mga araw. At dun niya inilantad ang sexy body niya.

I’d love to live by the beach one day,” caption ni Bella na kahit nakatalikod eh, umaapaw ang alindog sa bikini na suot.

May shot din siyang sirena ang dating kaya ang suhestiyon ng followers niya ay siya na ang gumanap na bagong Dyesebel, huh! “Dyesebela Padilla” nga ang komento sa kanya sa shot niyang ‘yon.

Loveless si Bela kaya walang magbabawal sa kanya na magsuot ng seksi, huh!

Ruffa binalik ang orig na birthday

Bumu-boomerang si Ruffa Gutierrez kahapon bilang selebrasyon ng birthday niya. Lumipad siya patungong Dedon Island sa Surigao kasama ang kanyang boyfriend na si Jordan Mouyal.

Ibinalik ni Rufing ang June 24 birthday na minsan ay binago ng kanyang inang si Annabelle Rama. ‘Yun kasi ang araw ng makasaysayang filmfest scam kaya never siyang nag-celebrate sa eksaktong araw matapos ang kontrobersiya.

Now, back to June 24 ang birthday ni Ruffa at boomerang ang drama niya sa IG.

“Happy birthday to me!!! Another year has passed. Thank you for the love, support, prayers and birthday wishes!!! Let’s be happy and count our blessings. Life is short. #birthdayGirl #cancer #blessed #happy #dedonisland #barefootluxury,” post ni Rufing.

Anyway, sa isang pag-referee ni Ruffa sa Eat Bulaga nang mag-guest ang wedding singers, lumabas na wish niyang gusto niyang magpakasal muli, huh! Pero ayaw niyang maging wedding song ang The Prayer dahil ‘yun ang kinanta sa kasal nila ng dating asawa na si Ylmaz Bektas!

Grupo ni Derek minalas sa France

Bigo palang maiuwi ng team ni Derek Ramsay ang championship sa Ultimate World Frisbee na ginanap sa France. Nu’ng huling post sa IG ng aktor, ang team nila ang Number 1 sa Pool B.

Kahapon, ibinalita ni Derek na fourth place ang naging posisyon nila.

We fought hard boys. We may not have won the championship but I’m still damn proud of what we accomplished. We won 12 straight games beating some of the best in the world. We fell a bit short but I know we will bounce back. The ultimate world now has tremendous respect for us. Fourth place out of 24 countries is not bad,” caption ni Derek habang nakaladlad ang bandera ng Pilipinas sa IG niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with