^

Pang Movies

Pero ‘di nagtagpo Anne sinundan ng Korean actor sa Paris?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pero �di nagtagpo Anne sinundan ng Korean actor sa Paris?!

Anne Curtis

Hindi pinagtagpo ng universe sina Anne Curtis at Gong Yoo sa Paris.

Bagama’t pareho silang nasa nasabing bansa, paalis na si Anne nang madiskub­re niyang nasa France nga ang kinababaliwan niyang Korean actor na bida sa Train to Busan at Goblin.

GongYoo

“I walked by this the other day. We are in the same country & city! Meant to be! Ahh! #GongYoo you are killing me! Always so near yet so far!,” sabi ni Anne tungkol sa kumalat na picture ni Gong Yoo na nasa harap ng banner store ng Louis Vuitton sa Paris.

“I wonder what Gong Yoo is doing right now here in Paris? Sad I’m flying out today. #Stalker mode sana,” tweet ni Anne na malamang by this time ay nakabalik na ng bansa mula sa Paris kung saan dumalo raw sila ng mapapangasawang si Erwan Heussaff ng kasal ng isang kaibigan.

Mainit ang balitang may gagawing movie si Anne ka-partner ang sikat na Korean actor pero hindi pa sure kung si Gong Yoo ‘yun.

Heart papalitan si Jennylyn?!

Wow mukhang na Koreana na si Heart Evangelista sa kumalat na photo niya kahapon para sa taping ng bago niyang show na My Korean Jagiya for GMA 7.

Cute na cute siya sa kanyang outfit.

Balitang ang My Korean Jagiya ang papalit sa local adaptation ng My Love From the Star.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with