^

Pang Movies

Helen walang malay sa mga ginagawa ni Sen. Tito

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Love for each other ang dahilan ng pagiging successful ng pagsasama ng mag-asawang Senator Tito Sotto at Helen Gamboa-Sotto. Forty-six years na silang kasal at hanggang sa ngayon wala kang mari­rinig na balitang nag-away sila sa kabila ng may apat na silang anak at mga apo. 

Sa grand launch ng kanyang cooking show na From Helen’s Kitchen ng Colours on Cignal TV, sinagot lahat ni Helen ang mga tanong tungkol sa kaalaman niya sa pagluluto kaya tinawag siyang Queen of the Kitchen ng kanyang family at mga kaibigan na nakakatikim ng kanyang masasarap na luto, hanggang sa personal life niya with her husband-senator.

Hindi nagdalawang-isip si Helen nang i-offer sa kanya ni Direk Perci Intalan na magkaroon ng cooking show, dahil mahal niya talagang magluto ng mga putahe na minana pa niya sa kanyang mama.

“I love cooking at mas maganda na pumayag silang doon ako mag-taping sa mismong kitchen ko sa bahay,” kuwento ni Helen. “Hands-on ako sa lahat ng mga recipes na ginamit ko at bagay sa aking special guests. Hindi kami basta lamang nagluluto, may tsikahan din kami at nang guest ko si Maricel (Soriano) nag-request pa siyang kantahin ko iyong La Vie En Rose na narinig daw niyang kinanta ni Ciara.”

Bago nagsimula ang press-launch, may mga bumati muna kay Helen. Sino pa nga ba kundi ang mga Dabarkads ng Eat Bulaga na madalas niyang pinadadalhan ng pagkain, sina Bossing Vic Sotto, Alden Richards, Maine Mendoza, Pauleen Luna-Sotto, Ryzza Mae Dizon, Allan K, Ruby Rodriguez at si Direk Bibeth Orteza na siyang director ng cooking show. 

Kuwento pa ni Helen, ang isa pang paborito ng Dabarkads ay ang famous niyang tinapa rice at chicharon na siya rin ang gumagawa. Promise niyang sa susunod na season, isasama na niya sa show kung paano siya magluto ng chicharon at tinapa rice.

Matagal-tagal ding hindi napanood si Helen sa mga soap sa GMA at ABS-CBN. May gagawin sana siyang isang soap noon sa GMA pero nag-beg-off siya.

“Nagkaroon kasi ako ng slipped disk, kaya nagpahinga muna ako.  I’m alright now, pwede pa rin naman akong sumayaw, pero hindi na pwedeng mag-bang-shang-a-lang,” natatawang kuwento ni Helen na nakilala noong early 70s sa pamamagitan ng sayaw niyang iyon.  “Tuloy pa rin ang therapy at exercise ko. Nag-start na rin akong mag-taping ng soap ko with Marian Rivera-Dantes, ang The Good Teacher at may cut-off ako ng 12;00 midnight sa taping.”

So, ano ang reason ng patuloy na strong relationship nila ni Sen. Tito?

Siguro iyong love namin for each other, sa mga things we do together, like ang hilig namin sa music. Saka nakita ko na mas mahal niya ako talaga, he adores me, he loves me. Hanggang ngayon nililigawan pa rin niya ako, lagi akong may flowers, mga sweet notes na iniiwanan niya kung saang-saang lugar sa bedroom namin.  Mabait siya, hindi ko naman sinasabing santo siya, pero mahal niya ako talaga.”

May isa ngang tanong kay Helen tungkol sa work ni Sen. Tito, wala raw siyang alam sa mga ganoon, hindi na raw iyon sinasabi sa kanya, para hindi siya mag-isip at magkaroon talaga ng harmony sa bahay nila, hindi siya binibigyan nito ng reason na sumama ang loob niya.

Ang From The Kitchen ay mapapanood na simula sa Sabado, July 1, 8:00 – 9:00 PM sa Colours on Cignal TV.  Tapos na ni Helen ang first season ng show na special guests niya sina Maricel Soriano, Carmina Villarroel, Eric Quizon, Pops Fernandez, Albert Martinez, Raymart Santiago, Ruby Rodrigues, Gladys Reyes, Donita Rose, at Pauleen Luna-Sotto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with