^

Pang Movies

Negosyong bulaklak ni Marian mabilis ang asenso

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Negosyong bulaklak ni Marian mabilis ang asenso

Marian Rivera-Dantes

Excited na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa pagsisimula ng taping niya ng bagong teleserye sa GMA 7, ang The Good Teacher. Matagal-tagal na rin kasi ang huli niyang ginawang teleserye, bago pa siya nag-asawa at nang ready na siya mu­ling gumawa ng bagong soap, saka naman siya nagbuntis kay Baby Letizia, na one year and seven months old na bukas, June 23. 

Nag-guest lamang siya noon sa pilot episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko at kung mayroon naman siyang high-rating drama anthology for out OFWs, ang Tadhana, host lamang siya at hindi siya ang umaarte sa bawat episode.

“Pero ngayon, tapos na si Direk LA Madridejos sa Meant To Be, kaya magsisimula na kami next week,” sabi ni Marian. “Natuwa kasi ako sa concept ng story na siya ko naman talaga gusto, kaya sabi ko kay Direk LA, willing akong gawin ang lahat ng ipagagawa niya sa akin sa taping. Ayaw kong mag-preempt, kaya ayaw kong ikuwento, basta, iba ito at alam kong magugustuhan ng mga nanay at mga batang manonood.”

Kaya ngayon ay pinagkakaabalahan muna ni Marian ang taping niya ng Tadhana at pag-attend sa maraming orders na dumarating sa kanyang Flora Vida by Marian, at nagpasalamat siya sa lahat ng mga tumatangkilik sa kanyang preserved flowers business lalo na at sunud-sunod ang occasions.

Gil may wish sa KathNiel!

Pinag-uusapan ang kissing scene nina Gil Cuerva at Jennylyn Mercado sa My Love From The Star na matagal hinintay ng mga sumusubaybay sa kanila gabi-gabi. Natanong sa pocket interview si Gil kung hindi ba siya na-pressure nang malaman niyang may kissing scene since first teleserye niya iyon sa GMA 7. “Medyo, pero pinaghandaan ko talaga iyon, nakakahiya kasi kay Jen,” nakangiting wika ni Gil. “Three times akong nag-toothbrush at kahit may dinner break kami hindi ako nag-dinner. Pero napaka-supportive ni Jen, hinayaan lamang niya ako, dahil alam niyang first time ko iyon on screen. Ewan kung halatang ninerbyos ako, pero hintayin ninyo ang second kissing scene namin ni Jen, nai-shoot na namin at mapapanood very soon.”

Hiningan ng comment si Gil na katapat nila ang La Luna Sangre ng KathNiel at nina John Lloyd Cruz, Angel Locsin at Richard Gutierrez. Sagot lamang niya, wish niyang parehong maging successful ang kani-kanilang teleserye, aware raw naman siyang may sari-sarili silang fans at siya ay willing namang i-promote ang kanilang rom-com, para tangkilikin ito ng mga fans nila. 

Samantala, aminado si Christian Bautista na nag-ienjoy siya sa role niya bilang si Winston sa My Love From The Star na in love na in love kay Jennylyn as Steffi. 

Isa nga palang naitanong kay Christian, hindi ba siya naiinggit kay Mark Bautista na ngayon ay nasa Seattle para sa Here Lies Love.

Inamin niyang may konti siyang inggit pero happy siya kay Mark na isa sa best friends niya, sa mga international plays na nasasamahan niya.  Given the opportunity, kaya rin daw niyang iwanan ang showbiz career niya rito. Biro sa kanya paano ang girlfriend na si Kat Ramnani na mabilis niyang sinagot ng: “dadalhin ko siya.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with