^

Pang Movies

Aljur kapos sa pera, ‘di kayang mapakasalan si Kylie?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Iyong pagbubuntis ni Kylie Padilla did not come as a surprise. Marami naman kasi ang nakakaalam na bago nabalitang buntis siya ay nagli-live in na sila secretly ni Aljur Abrenica. Dahil nagsasama naman sila talaga, ano pa ba ang aasahan mo. Hindi naman siguro sila naglalaro lamang ng jack n’ poy sa pagsasama nila.

Iyong sinasabi ni Kylie na kahit naman daw noong una, hindi tutol ang tatay niyang si Robin Padilla na bigyan niya ng apo, basta raw ay “kasal muna” na hindi naman nangyari dahil nga nabuntis siya, at iyong sinasabi niyang desisyon nilang dalawa ni Aljur na saka na magpakasal ay dalawang magkataliwas na bagay. Pero isipin natin, ano ba ang tama?

Kung kami ang tatanungin, hindi katuwiran ang pagbubuntis para magpakasal. Papaano kung wala naman pala talaga sa isip nila ang magpakasal, nagkabuntisan lang? Mauuwi lang iyan sa paghihiwalay pagdating ng araw. Una, hindi praktikal na magpakasal sila ngayon. Mapapanindigan ba ni Aljur ang kanyang responsibilidad bilang may asawa just in case? Mahirap sagutin iyan dahil sa ngayon jobless naman si Aljur. Simula noong matapos ang kanyang kontrata sa GMA, wala naman nang ibang kumuha sa kanya hanggang ngayon.

Iyon ang isa pang problema, kahit na sabihing nagkasundo naman sila ulit ng GMA, the fact na nagkaroon sila ng problema, natural lang na iwasan na ng network na kunin siya, after all maraming nag-aambisyong maging artista at ok naman ang mga bago nila. Malakas ang rehistro noong bago nilang si Gil Cuerva at bata pa. Marami siyang magagawa, kung ikukumpara mo kay Aljur na dahil sa edad ay namimili na ng role, at marami nang nasubukang hindi naman nalusutan.

Nasa kanila pa rin si Alden Richards na ano man ang sabihin natin, malakas pa rin sa tao. Nakuha nila ang beteranong si Gabby Concepcion, at si Mike Tan kahit na support-support lang puwede na. Bakit kailangan mo pa si Aljur Abrenica?

Dapat talaga tingnan muna nila ang magiging katayuan nila sa buhay. Mahirap basta pakasal kung wala ka namang pinanghahawakan.

Dapat magretiro na lang daw Kris flop na rin sa social media

Talagang ang Fil-Am comedian lang na si Nico Santos ang nababanggit na Pinoy na kabilang sa cast ng Crazy Rich Asians hanggang sa ngayon. Mukha talagang palpak na ang mga pralala ni Kris Aquino na kinukuha na siya at kesyo pumirma pa siya ng kontrata para sa pelikula.

Totoo nga rin pala, based on records pababa nang pababa na parang spaghetti ang nanonood ng kanyang mga pakulo sa social media. Kahit na sa social media, hindi na niya masasabing siya ang “queen”. Lumalabas na mas marami pang nanonood sa video plug ni Mr. Fu na umaabot daw ng milyon.

Sa ngayon, ang kalagayan ni Kris ay masasabi nga nating “queen of no media”. Wala siyang pelikula. Wala siyang TV show. Wala siyang radio program, at kahit sa social media ay flop siya. Mukhang kaila­ngan talaga ulit na magkaroon ng isa pang “President Aquino” para muling sumipa ang career ni Kris.

Sabi nga sa kanta ni Rico Puno,”kapalaran, kung ha­napin ‘di matagpuan. At kung minsan lu­ma­lapit nang ‘di mo alam”. Kailan kaya muling lalapit ang kapalaran kay Kris Aquino?

Napakahirap sagutin niyan ngayon dahil ang lumalabas, hindi talaga pabor sa kanya ang kanyang career. Dapat nga sigurong mag-retire na siya gracefully, at mag-asawa na lang ulit kung susuwertihin pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with