^

Pang Movies

Kasal nina Alden at Maine kinaumayan na?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi na yata masyadong pinag-usapan ang eksena ng kasal nina Alden Richards at Maine Mendoza sa finale ng Destined To Be Yours.

Ayon kasi sa ibang manonood at netizens, nagawa na raw iyon sa Eat Bulaga kung saan live pa silang ikinasal sa Divine Word Seminary. ‘Yun ang nag-trending sa social media. Pero iyong ending ng kanilang serye, parang wala lang.

May nagsasabi naman kasi, noong unang gumawa sila ng wedding scene ay talagang buung-buo ang ilusyon ng kanilang mga fans na nagkakagustuhan nga silang dalawa. Ngayon hindi na ganoon ang sitwasyon, dahil ilang araw nang hindi matigil-tigil ang usapan na ang talaga raw nanliligaw, o boyfriend na nga ba ni Maine si Sef Cadayona. Kaya nga may namba-bash na kay Maine at sinasabi pang wala siyang utang na loob dahil sumikat siya dahil sa team up nila ni Alden.

Binabantaan na rin ng fans si Sef at sinasabi pang masasaktan pati ang kanyang pamilya ‘yun ay kahit wala namang sinasabi ang dalawa na may relasyon nga sila.

May mga observers na nagsasabing talaga raw ganoon, dahil hindi naman nila sisirain ang love team nina Maine at Alden. Magagalit din sa kanila ang network, pero may nagsasabi namang “hindi naman nila maitatago ang tunay nilang relasyon habang panahon”.

Kung sa bagay, mabuti nga at natapos na rin ang seryeng iyan. Pinagmumulan lang iyan ng kung anu-anong usapan. Isa pa, sinabi na rin naman ni Maine na sa palagay niya hindi siya pang-teleserye. Ang gusto raw nila talaga ay television hosting.  

Imelda gustong ibangon ang KAPPT!

Napag-uusapan noong isang gabi ang buhay ng mga artista. At isang talent manager ang nagkuwento na naawa raw naman siya sa kanyang talent sa ibinayad na talent fee ng isang indie film producer. Mas malaki pa raw ang talent fee sa isang taping day sa telebisyon, kaysa sa ibinayad sa isang buong indie film na ginawa nang tatlong araw, pero sagaran ang schedule.

Talagang ang suwerte lang ngayon ay iyong mga artistang nasa network, dahil may palagian silang kita. Pero sa mga network naman, puro baguhan din ang nabibigyan ng assignment, sinasamahan lang ng isa o dalawang sikat, dahil nagtitipid din sila sa talent fee ng mga artista.

“Ang mga artista twenty years ago, mas malaki ang kinikita kaysa sa mga artista ngayon. Nakakalungkot dahil kung kailan mas mahirap ang buhay at saka maliit ang bayad sa mga artista. Marami pa ang walang assignment,” sabi ni KAPPT (Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon) President Imelda Papin.

Kaya nga raw sa loob ng panahon ng kanyang panunungkulan sa KAPPT, ang uunahin niya ay mga fund campaign, para matulungan nila ang mga miyembro ng KAPPT na nangangailangan at walang kinikita.

“Gusto ko ring ibalik iyong livelihood program para sa mga artistang walang assignments na nasimulan na noong araw. Hindi naman naituloy dahil oras na makahiram ng puhunan, hindi na isinasauli para maipahiram naman sa iba. Pero gagawan namin ng paraan iyan,” sabi ni Imelda.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with