^

Pang Movies

Ryza kinaiiritahan na!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Maraming sumusubaybay dati sa seryeng Ika-6 Na Utos dahil marami ang nakaka-relate sa istorya ng babaeng kumabit sa pamilyadong lalaki.

Humahanga rin sila sa acting nina Sunshine Cruz, Gabby Concepcion, at Ryza Cenon.

Pinapalakpakan ang pagmamaldita ni Ryza kay Sunshine pero tila pinagsasawaan na ito ng fans ngayon. Puro selos at hinala raw kasi itong si Ryza na nakakairita na para sa manonood.

Wala na raw bang ibang gawain sa buhay ni Ryza kundi magselos at mag-isip ng masama sa kapwa?

Sa isang banda, hindi ito maiaalis na gampanan sa istorya dahil patapos na sana kaya lang marami pang commercial na pumapasok kaya ayun anik-anik na lang napapanood na ginagawa ng mga karakter.

Iya bagay na kapalit nina Pia at Pauleen

Bagay si Drew Arellano sa Department of Tourism (DOT) dahil naikot na niyang ang buong Pilipinas.

Alam niya na rin ang mga spot na talagang may magandang tanawin at kung ano’ng pagkain ang specialty ng isang probinsya/bayan.

Mabuti na lang at hindi tumataba ang actor/TV host dahil sa rami ng tinitikman niyang putahe. Balita namin ay masarap ding magluto si Iya Villania.

Anyway, may nagsa-suggest, bakit daw hindi si Iya ang kuning kapalit nina Pauleen Luna at Pia Guanio kung sakaling magsisilang na sila ng baby sa kanilang programa na Eat Bulaga?

Mas bagay daw doon si Iya.

Bagong alaga ni Direk Maryo ‘wag sanang tularan si Miguel

May bago na namang alaga si Direk Maryo Delos Reyes, ang singer na si Orlando Sol.

Mga alaga rin ni direk sina Migs Cuaderno, Leandro Baldemor, Anton Bernardo, at Simon Ibarra.

Naku, huwag sana silang tumulad kay Miguel Tanfelix na matapos pasikatin ay lumipat sa GMA Artist Center.

Kapag hindi busy si direk ay nasa kanyang resort lang siya sa Pansol, Laguna at nagpapahinga.

OA na…

Parang OA (overacting) naman ang kautusang pati rosaryo at sampaguita ay kasama sa mga ipinagbabawal na ilagay sa harapan ng sasakyan.  

Sa totoo lang, ‘yang mga rosaryo nga na ‘yan ang nagliligtas sa mga taong pasahero ng sasakyan.

Sabi nga ng ibang netizens, ipagbawal na rin dapat ang mga wiper sa windshield dahil gumagalaw ito at nakakasira ng attention ng nagmamaneho!

                                 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with