^

Pang Movies

Xian may matinding problema,nag-goodbye sa social media

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Nagkakagulo ang mga fans ni Xian Lim nga­yon sa kanyang Instagram page dahil sa latest post ng aktor na “Goodbye for now”.

Walang explanation si Xian kung para saan or kanino ang pagpapaalam na ‘yun at deactivated ang comments section kaya sa dati niyang post nagtatanong ang mga fans labis na nag-aalala sa kanya.

Clueless ang mga fans kung bakit ganu’n ang post niya at nakikiusap ang iba na iklaro ito dahil sobrang worried sila. Some are speculating na baka naman may pinagdaanan ang aktor ngayon. Ang iba naman ay mas gusto na lang isipin na sa Instagram lang siya nagpaaalam dahil marahil sa mga basher.

May nag-isip namang baka na-hack ang IG page niya.

Nakaka-touch ang ibang comments dahil ramdam na ramdam namin talaga ang kanilang pag-aalala.

“Sobra kaming nag-aala sa ‘yo. . .hayan umiiyak na naman marami mong fans kabilang na kami dito mga solid fans mo sa KSA. Ano nangyayari? Sobra kaming nag-aalala sa iyo. Pls. don’t do this to us. Anuman ‘yan andito naman kami nagmamahal sa iyo ng buong puso,” ang comment ng isang fan.

Say naman ng isa, huwag daw kung anu-ano ang isipin dahil malinaw naman na “goodbye for now” lang at babalik pa ito. Bumili na lang daw ng ticket sa concert ni Xian kaysa kung anu-anong ini-speculate.

Utol ni Coco, isinali na rin sa Probinsyano!

Since Monday ay nagte-trending gabi-gabi ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa mga kaabang-abang na eksena nito na nagsimula sa kasal nina Cardo (Coco Martin) at Alyanna (Yassi Pressman) hanggang sa pagkakadukot ni Joaquin (Arjo Atayde) kay Alyanna hanggang sa paghaharap nina Joaquin at Cardo hanggang sa finally ay mapatay ni Cardo si Joaquin noong Miyerkules.

Bumuhos ang reaksyon sa social media ng mga avid supporters ng FPJAP sa pagkamatay ni Joaquin at halo-halo ang kanilang reaksyon. May natuwa dahil finally ay matitigil na ang kasamaan ni Joaquin at mayroon din namang nalungkot partikular na ang fans ni Arjo na mami-miss siya sa serye.

Maging kami ay na-shock sa pagkamatay ni Arjo as Joaquin dahil nasanay na kami na napapanood siya gabi- gabi bilang kalaban ni Coco.

Sa rami ng tumutok sa mga nasabing episodes, nagtala ng napakataas na ratings ang show na umabot sa 41.1% noong Lunes, 43.3% noong Martes at 42.7% noong Miyerkules.

Samantala, nagpahatid naman ng kanyang pasasalamat si Arjo sa kanyang karakter na si Joaquin.

“You will forever be a part of my life. I will miss you Joaquin. You’ve done so much to me. . .i love you joaqs. Till we meet again,” post ni Arjo sa kanyang Instagram account.

Napaisip kami sa huling bahagi ng post ni Arjo na “till we meet again”. May posibilidad ba na bumalik ang kanyang karakter?

Anyway, nagsimula na rin ang book 2 ng FPJAP at may mga bagong karakter na tayong mamahalin sa serye tulad nina Pokwang, Sen. Lito Lapid and son Mark Lapid, John Arcilla, Angel Aquino, Mitch Valdez, Jhong Hilario, Ejay Falcon, Yam Concepcion at ang kapatid ni Coco na si Ronwaldo Martin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with