^

Pang Movies

Xian insecure raw sa KimErald!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Xian insecure raw sa KimErald!

Xian Lim

Insecure nga ba sa tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson si Xian Lim kaya siya nag-babu sa Instagram account niya?

Duda ng source, nato-torture si Xian sa rami ng suporta ng balik-tambalan ng KimErald at hindi na ito nakatiis, na kesa pumatol sa bashers and haters ay mamahinga na lang sa social media.

Tagumpay ang balik-tambalan nina Kim and Gerald via Ikaw Lang Ang Iibigin na napapanood bago mag-It’s Showtime.

Maxine Medina

Pisngi ng puwet ni Maxine nagkalat sa social media

Kahit madalas na ang pag-ulan, hindi pa nagsa­sawa sa beach ang dating Binibining Pilipinas Miss Universe Maxine Medina. Todo rampa pa siya with matching pakita ng kurba ng katawan sa kanyang beach pictorial na obviously ay ang boyfriend niyang aspiring actor ang tagakuha ng picture at alam mong proud sa katawan ng girlfriend dahil pati pisngi ng puwet nito ay idini-display sa social media.

Mga Sang’gre ng Encantadia

Encantadia wagi sa Singapore!

Nakapag-iwan na naman ng marka ang Encantadia sa mga manonood dahil maging international audience ay napabilib nito. Nanalo ang Kapuso te­lefantasya bilang Best Visual Effects (Long Form Ca­tegory) sa Apollo Awards 2017. Ginanap ito sa Singa­pore na siyang dinaluhan ng ilan sa mga bumubuo ng Encantadia. Sa social media post ng program ma­nager na si Helen Rose Sese, nagpasalamat at nagbigay pugay siya sa lahat ng cast at production team ng Encantadia.

Bongga ang visual effects ng programa na nagawa nila ito for a daily series. Nagsilbi itong regalo sa buong Encantadia team dahil bukod sa successful ang finale nito, nanalo pa sila ng international award.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with