^

Pang Movies

Young actress na nabuntis instant yaman daw sa pulitiko

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Isang not so young politician pala ang pinagbibintangang nakabuntis sa young actress na umano’y alaga ng isang network.

At bigtime daw si politician ha, dahil ibinibigay nito lahat ng luho sa aktres na nagdadalantao nga.

Bukod sa sariling bahay, may taxi business na raw ang young actress.

Kung sabagay bagama’t hindi tamang gawain, napabuti naman ang lagay niya kung tutuusin dahil si­singhap-singhap naman ang career ng young actress na ito at hindi siya basta-basta makakabili ng bahay kahit pa makailang taon sa showbiz.

‘Yun nga lang, immoral pa rin ang ginawa niya dahil pamilyado ang pulitiko.

Mga biktima ng pambobomba ‘di pa mahanap,  Ariana nakabalik na ng Amerika

 

 

Ang daming mga pangyayari sa pali-paligid.

Kahapon ay pinagdarasal ng lahat ang kaguluhan sa Mindanao particular na sa Marawi na umano’y pinasok na ng mga miyembro ng teroristang grupo na Maute. Pinutol ang Russia trip ni President Rody Duterte matapos magdeklara ng Martial Law sa Mindanao.

Kaya naman maraming artista ang nagdarasal para sa kapayapaan ng nasa­bing bayan.

Dumating din sa bansa kahapon ang sikat na Korean actor na si Kim Soo Hyun na dadalo sa event ng kanyang endorsement na Samsung TV. Siyempre na-excite ang maraming Korean drama fans na Pinoy.

Isa pang Korean actor ang nag-trending kahapon sa Twitter. Si Kim Woo Bin na na-confirm  na may kakaibang klase ng kanser sa head and neck.

Eh katatapos lang ng pambobomba sa concert ng American pop superstar Ariana Grande sa UK na balitang nakabalik na ng Amerika at hindi tinapos ang tour sa Europe. Gamit daw nito sa pagbalik sa US ang private plane ni Taylor Swift.

Nawawala pa rin ang ibang nabiktima ng pambobomba.

Late breaking news naman kagabi ang pagkamatay ng batikang direktor na si Gil Portes.

Wala pang detalye ng kanyang pagpanaw habang isinusulat ito.

RIP Direk Gil.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with