^

Pang Movies

Kiko gustong balikan si Barbie!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kiko gustong balikan si Barbie!

Barbie Forteza

Tulad ng amang si Gary Estrada, thankful si Kiko Estrada na nakabilang siya sa bagong cast ng Mulawin vs. Ravena, na hindi raw remake kundi sequel ng Mulawin. Role ni Rasmus na isang Mulawin ang ginampanan ng tatay niya.

“Pero dito, ako si Rafael na isang tao, ewan ko lamang kung magiging Mulawin o Ravena ako dahil may mga twist sa story,” kuwento ni Kiko. 

“Best friend ko rito si Almiro, played by Derrick Monasterio pero magiging mortal kong kalaban dahil magiging love triangle kami ni Anya, played by Bea Binene. But off-camera, good friends kaming tatlo dahil nagkasama-sama na kami noon pa sa Tween Hearts kaya magaan ang pagtatrabaho namin.”

Inamin ni Kiko na matindi ang paghahanda niyang ginawa para sa role niya, lagi siyang nasa gym, took martial arts para sa mga fight scene niya, dahil kailangang maging malakas si Rafael, pero hindi raw niya pwedeng i-reveal kung sino ang tunay niyang ama, pero gumaganap na ina niya si Charee Pineda, na isang haciendera. Biniro namin si Kiko, hindi kaya si Gabriel (Dennis Trillo), ang tunay niyang ama? Si Almiro ay anak nina Alwina (Heart Evangelista) kay Aguiluz na ginampanan ni Richard Gutierrez noon pero namatay ito sa Mulawin.

Si Gabriel kasi ay tao na naging Ravena ngayon. Basta, marami raw aabangan habang pinapanood ang Mulawin vs. Ravena.

Pagdating naman sa lovelife, zero pa rin daw ito ayon kay Kiko at wala siyang nililigawan ngayon, focus daw siya sa work niya.

Pero hindi itinanggi ni Kiko na nanghihinayang pa rin siya sa pagkaudlot ng relasyon nila ni Barbie Forteza. Pagka-busy sa work ang dahilan ni Kiko kaya napabayaan niya ang kanilang relasyon ni Barbie. Matindi rin kasi ang role na ginampanan niya sa Sinungaling Mong Puso na siya niyang priority noon, kaya naisangtabi niya ang love life niya. Huli na nang gusto niyang bigyan na ng atensyon si Barbie.

“Siguro po, ang wish ko na lamang, magkasama kami muli ni Barbie sa isang project. She’s one of the best young actresses in the Philippines and I’m proud sa mga awards na iniuuwi niya para sa bansa, here and abroad. Ganoon naman ako, I want to work with talented actresses, so I want to work with her again, kahit sa work na lamang at hindi na niya ako muli tanggapin kung liligawan ko siya muli.”

Pilot week na ngayon ng Mulawin vs. Ravena na napapanood gabi-gabi sa GMA 7 pagkatapos ng 24 Oras.

Encantadia finale tinutukan

Mas tinutukan ng mga televiewers noong Friday, May 19, ang pagtatapos ng telefantasiyang Encantadia na idinirek ni Mark Reyes, dahil tumanggap sila ng rating on NUTAM (nationwide) ng AGB Nielsen ng 13.8% at viewership of 48.7%.

Congratulations din sa Sunday PinaSaya dahil nakatanggap sila sa AGB Nielsen NUTAM ng ra­ting na 5.8% with viewership of 41.5%.

Special guest sa show si Maine Mendoza to promote the final week of Destined To Be Yours.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with