^

Pang Movies

Alden at Maine mas gustong mag-taping sa hindi matao!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Babalik sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Pelangi, ang ipingalan sa story ng isang lugar sa Dolores, Quezon, kung saan nagsimula ang love story ng mga karakter nila na sina Benjie at Sinag sa Destined To Be Yours. Paboritong location shooting ng cast and crew ng production sa pagdidirek ni Irene Villamor ang lugar dahil malamig at fresh ang hangin at kung may fans man na nakadadayo sa lugar, iilan lamang iyon kaya mabilis silang nakapagtatrabaho. Iyon ang hindi nila magawa kapag ang location nila ay sa Metro Manila o kahit sa Tagaytay, dahil dinadayo sila talaga ng fans. Kaya naman nahihirapan silang bawalan ang fans na kumuha ng mga eksena na ipino-post agad sa social media.

Kaya maraming nagtatanong kung ano ang mga eksenang kukunan sa Pelangi, doon na ba magtatapos ang teleserye na ilang taping days na lamang at tapos na? 

Napapanood ang Destined To Be Yours pagkatapos ng Encantadia na nasa huling dalawang linggo na.

Sanya hindi nakapasyal sa Canada

Ngayong May 12 naman ang first show na magkasama abroad sina Sanya Lopez at Rocco Nacino, ang Kapu-Show Encantadia at Saya Sa Canada na magaganap mamayang gabi sa Vancouver, Canada. Based sa pictures posted, kita mo ang saya ni Sanya dahil ito ang first trip at first show abroad niya, nakasama pa ang leading man niya sa Encantadia na si Rocco.  Kaya ang tanong din sa kanila ng mga local press doon, kung ano ba ang mangyayari kina Hara Danaya at Aquil, tuluyan na ba silang magkakasama?

Hindi pa rin makasagot sina Sanya at Rocco kung ano nga ang mangyayari sa mga characters nila dahil after the show, balik na agad sila ng Pilipinas at diretso sa taping dahil hindi pa rin sila tapos mag-taping ng telefantasiya.

Bianca excited sa pakpak

 Isa sa mga excited sa pagsisimula ng isa pang telefantasiya ng GMA 7, ang Mulawin vs Ravena  ay si Bianca Umali na gumaganap na Lawiswis. Childhood dream pala niya na mapanood ang sarili sa isang telefantasya. Napanood niya noong bata pa siya ang Mulawin kaya ganoon na lamang ang excitement niya nang sabihan siya na kasama siya sa Mulawin vs Ravena bilang katambal ni Pagaspas (Miguel Tanfelix).

“Napaiyak nga po ako nang una kong isuot ang costume ko,” kuwento ni Bianca. “Ang hinihintay ko po ngayon ay iyong taping ko na lumilipad na ako, excited po ako talaga, kung ano ang feeling kapag lumilipad na ako.”

Mapapanood na ang Mulawin vs Ravena simula sa May22, after 24 Oras.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with