^

Metro

Sekyu patay sa sariling shotgun

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Utas ang isang security guard makaraang aksidenteng mabaril ng shotgun ang sarili habang naka-duty, kamakalawa ng madaling araw sa Valenzuela City.

Nakilala ang nasawi na si Armando Mendoza Olermo, 35, security guard ng Culdev Security and Investigation Services, at naninirahan sa Virgo Street, Grem Ville I, Brgy. Bagbaguin, Caloocan City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nag-report sa kanilang duty sina Olermo at kapwa sekyu na si Oliver Laya sa binabantayan nilang Vantaztic Inc., sa may Mindanao Avenue Extension corner Hobart Village, Brgy. Ugong, ng naturang lungsod dakong alas-7 ng gabi.

Alas-4:30 kamakalawa ng madaling araw, nakaupo sa outpost si Laya nang marinig ang isang putok ng baril.  Nang kanyang puntahan ang puwesto ni Olermo, dito niya nakita ang kapwa sekyu na naliligo sa sariling dugo.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng PNP Crime Laboratory Office­, nagtamo ng tama ng bala sa dibdib si Olermo at tuma­gos ang anim na pellet sa kanyang likod. Narekober ng mga awtoridad ang Armscor Shotgun na may apat pang live na bala at isang napaputok na cartridge. Patuloy ang imbestigasyon ngayon ng pulisya sa insidente upang matiyak na walang naganap na foul play.

vuukle comment

SECURITY GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with