Terminals, pantalan, simbahan tututukan ngayong Semana Santa
MANILA, Philippines - Magsasagawa ng mahigpit na inspeksiyon sa mga terminal ng bus, airport, mga simbahan at pantalan ang buong pwersa ng National Capital Regional Police (NCRPO) bilang paghahanda sa darating na Semana Santa.
Nabatid kay NCRPO Director Oscar Albayalde, bukod sa ipatutupad nilang inspection, maglalagay sila ng mga police assis-tance desk sa mga terminal ng bus, pantalan at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na siyang magmamantina sa peace and order at magbibigay ng seguridad sa mga mananakay, na siya ring aayuda kapag may mga aberya.
- Latest