^

Pang Movies

Kris at Mocha nagtatapatan sa social media!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Parang hindi kapani-paniwala na ang dating Queen of All Media na si Kris Aquino ay nagtatag ng sariling show na mapapanood sa Facebook. Wala kasing puwang sa tatlong giant TV network ang naturang TV host/actress.

Anyway, marami rin namang followers si Kris sa social media lalo na ang “pilot episode” niya kung saan ininterbyu niya si Maine Mendoza.

Sa totoo lang, nakakaaliw ang show ni Kris dahil punum-puno ito ng pag-iingay kesehodang sa Facebook lang ito.

Kung sa bagay, sa paraan ding ito nakilala si Mocha Uson na ngayon ay may malaking papel sa Duterte administration.

Well that’s life sa showbiz, kailangan mong gumawa ng paraan para tulungan ang sarili or else mawawala ka sa mapa ng mga sikat.

Parlor ni Vina pinipilahan sa probinsiya

Susugod sa SM Tarlac sa December 10 ang walang kupas sa ganda na si Vina Morales para sa i-meet and greet ang fans. Marami nang sangay ang Ystilo Salon ni Vina sa iba’t ibang lugar at kabilang na nga ang SM Tarlac. Kwento nga ng radio announcer na si Joey Austria na nagtratrabaho kay Vina, araw-araw daw nakahilera ang mga gustong magpaayos sa salon ng aktres.

Direk Arlyn may buwelta

Kwento sa amin ni Direk Arlyn dela Cruz na director ng kontrobersyal na pelikulang Bubog, siya pala ang unang naka-discover kay Barbie Forteza sa isang audition. Pero sa GMA nagkaroon ng pangalan si Barbie at masaya siya para rito.

May reaction siya sa napabalitang pag-banned sa kanya ng PAMI. Sey niya, paano raw nangyari ‘yun e, hindi naman siya member ng said group ang manager niya?

Nanghihinayang si Direk Arlyn kay Baron na magaling umarte pero may attitude.

Jessy pinaboran na rin ng mga Vilmanian

Nagbubunyi ang mga Vilmanian. Sana raw ay tuluy-tuloy na ang relasyon nina Luis Manzano at ng current girlfriend nito na si Jessy Mendiola. Gusto raw kasi nila na magka-apo na si Cong. Vilma Santos.

Sana raw ay huwag itong matulad sa mga naging relasyon ni Luis kina Angel Locsin at Jennylyn Mercado.

Jackpot talaga si Jessy kay Luis, imagine, dating gobernadora at ngayon ay congresswoman ang makakaisang palad niya.               

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with