^

Pang Movies

Mocha may galit sa mga taga-media?!

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tampok sa I Juander ngayong Miyerkules (Dec. 7) ang mga handang pang-Noche Buena ng mga newsmakers o ang mga pinag-usapang personalities ngayong 2016.

Sa espesyal na pagtatanghal ng I Juander, makakasama nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang ilan sa kanila para sumalang sa mainit na usapan at sa lutuan.

Naging laman ng mga usap-usapan sa social ang sexy singer na si Mocha Uson dahil sa kanyang makukulay na kumento patungkol sa pulitika. Totoo nga kayang binigyan siya ng pangulo ng posisyon sa gobyerno? At totoo kayang galit siya sa mga taga-media? Sasagutin daw ‘yan lahat ni Mocha, pero bago raw mag-comment sa kanyang mga isasagot i-like at mapupusuan kaya ng mga ka-I Juander ang handa niya sa Noche Buena?

Nag-ingay din sa taong ito ang koponan ng Barangay Ginebra. Dahil sa wakas, makalipas ang walong taon sa kangkungan, nakatikim din sila ng championship. Pero dahil katatapos lang ng season, hindi raw muna sa hardcourt magpapasikat ang manlalaro nilang si Japeth Aguilar, kundi sa kusina. Champion din kaya ang kanyang magiging handa sa Pasko?

Abangan ang 2016 newsmakers at ang mga ihahanda nilang pang-Noche Buena ngayong Miyerkules sa I Juander, 8 p.m. sa GMA News TV.

Drew Arellano at Iya Villania, may bagong sorpresa sa 2017!

Mukhang magiging busy ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania sa pagpasok ng 2017 dahil bukod sa kanilang unico hijo na si Primo, sila pala ang magiging host ng bagong comedy game show ng Kapuso Network na pinamagatang People vs. The Stars.

Balita namin kakaiba ito dahil makulit na Iya at Drew ang makikita rito. Sila kasi ang magiging mediator ng taong-bayan na lalaban sa mga artistang nais makuha ang cash prize.

Mukhang maganda at nakaka-good vibes ang larong ito dahil makakalaro mo na ang idol mo, mag-i-enjoy ka pa! Talagang kaabang-abang ang show na ito.

Black box nakabenta na ng 2M

Sa loob ng dalawang taon, nadoble ng mahiwagang black box ng ABS-CBN ang unang taong benta nito dahil dalawang milyong units na nito ang nabenta.
Ang ABS-CBN TVplus ay naipapamahagi nationwide sa iba’t ibang retail outlets, sales agents, at dealers.

Noong Setyembre, ito ay inoffer sa baong presyong P1,499, na hindi nabawasan ang kalidad dahil kasama pa rin dito ang exclusive channels tulad ng all-male-oriented channel CineMo, children’s channel YeY, educational channel Knowledge Channel, at all-day news channel DZMM Teleradyo bukod pa sa ABS-CBN Sports+Action at ABS-CBN.  
Ang KBO o Kapamilya Box Office, ang unang Pay-Per-View (PPV) content service sa digital TV, ay binuo para ipamahagi sa Pilipino ang mgalocal at foreign movies sa halagang P30 na load sa ABS-CBNmobile SIM.
Ito ay mabibili hindi lamang sa Metro Manila kundi pati na rin sa Metro Cebu, Davao City, Bacolod, Iloilo, Cagayan De Oro, Benguet, Bulacan, Cavite, Laguna, Metro Manila, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Rizal at Tarlac.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with