^

Pang Movies

Ryza kinilig sa tsugian portion nila ni Gabby!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ryza kinilig sa tsugian portion nila ni Gabby!

Ryza Cenon

Dapat daw abangan ang mainit na bed scene ni Ryza Cenon kay Gabby Concepcion sa teleserye na Ika-6 Na Utos.

Si Ryza ang gaganap na other woman. Tiyak na mag-iiba na raw ang tingin ng mga tao kay Ryza.

“Kasi hanggang ngayon tingin nila sa akin parang 16 years old pa rin. Hindi nila napapansin na tumatanda na ako. I’m already 28 years old at may mga experiences na ako sa buhay.

“Yung bed scene namin ni Sir Gabby ang aba­ngan nila dahil sobra akong kinabahan. Pero ang bait ni Sir Gabby. Talagang inalagaan niya ako sa eksena.

“Kinilig nga ako kasi ang guwapo pa rin niya tapos siya pa ang kaeksena ko,” natatawang kwento ni Ryza.

Twelve years na sa showbiz si Ryza simula noong manalo siya bilang Starstruck 2 Ultimate Female Survivor noong 2004. At sa edad niya ngayon, hindi na raw siya magiging choosy sa mga projects na darating sa kanya.

Direk Gina kumbinsidong in love si Julie Anne

Ang award-winning actress and TV director na si Ms. Gina Alajar ang siyang direktor ng pinagbibidahan na teleserye ng Kapuso singer-actress at Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose na Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Hango ito sa original na 1988 film na dinirek ni Ishmael Bernal at pinagbidahan noon nina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Eddie Garcia at Maricel Soriano.

Sa TV remake, gagampanan ni Julie ang naging role ni Lorna bilang Santina Marquez. Hindi nga raw ito ang first time na mahawakan ni Direk Gina si Julie sa isang teleserye.

“When I was directing Reel Love Presents Tween Hearts, twice na nag-guest doon si Julie and she was okay. Medyo marunong na siyang umarte that time.

“Then I directed two episodes for Buena Familia at siya rin ang isa sa mga bida roon. Okay na siya roon. Madali na siyang humugot sa mga eksena.

“Dito sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa, mas mabibigat ang mga eksena niya and she really delivers.

“The project is right for her and it will be aired in 2017. Hindi ko lang alam kung anong month. Pero I guess sa January na siya,” pahayag pa ni Direk Gina.

Hindi lang daw sa pag-arte nagkaroon ng improvement si Julie kundi pati na rin daw sa pisikal nito.

“Mas payat siya ngayon kesa dati.

“Tapos ang ganda-ganda ng aura niya ngayon.

“When I see her sa monitor, she’s very pretty.

“Like what I said, blooming siya,” diin pa niya.

Napansin pa ni Direk Gina na mas confident si Julie ngayon. Hindi tulad noon na mapapansin mo ang pagiging mahiyain nito.

“I don’t know kung in love ba siya or kung may nagpapangiti sa kanya ngayon.

“If she is in love, then maganda—nakakatulong sa kanya,” pagtapos pa ni Direk Gina Alajar.

Rich at bf nanghinayang sa kikitain sa Pasko 

Ngayong Pasko ay hindi raw tuloy ang dapat na bakasyon ni Rich Asuncion sa Australia kasama ang boyfriend niyang si Benj Mudie ng Philippine Volcanoes. Kakabukas lang kasi ng nail salon business nila ni Ben sa Bonifacio Global City (BGC) na Nail Cocktales Hand and Foot Spa.

Hindi raw maiwan ni Rich and kanilang negosyo dahil alam niyang kapag December ay maraming mahilig pagpa-footspa dahil sa pagod sa kaka-shopping.

“Mahirap nang ipagkatiwala mo sa iba dahil bago pa lang ito. 

“Tapos may teleserye pa ako na Ika-6 Na Utos, kaya busy ang month na ito talaga for me.

“Kaya sabi ko kay Benj na siya na lang ang pumunta ng Australia for Christmas. Baka kasi inaasahan siyang umuwi ng family niya.

“Pero ang nakakatuwa, hindi na aalis si Benj at sasamahan niya ako dito sa Pilipinas for Christmas.

“Sabi ko naman na baka isipin ng family niya na pinipigilan ko siya. Sagot naman niya na they will understand and worth it naman daw ang pag-stay niya kasama ako.

“Kaya doon ko nakita how much he loves me and the things that are important sa buhay ko,” pagtapos pa ni Rich.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with