^

Pang Movies

Dahil sa mga yaya na naka-uniporme, Kristine sinabihang maldita at ingrata ng basher

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kabaliw din ang basher ni Kristine Hermosa, huh! Nu’ng mag-post siya sa Instagram account matapos manood ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers, super-lait talaga ang basher sa asawa ni Oyo Sotto.

Take note na personal ang banat kay Kristine ng basher na pati suot na damit ng kasambahay ng aktres na nakauniporme ay binira! Nagsabing “maldita” at “ingrate” si Tin, huh!

Gumanti si Oyo siyempre na ginawa na nu’ng unang nilait ang asawa. “Ang enggot mong gunggong!” ang tawag ng aktor sa basher na lumibak sa kanyang wife na pinost niya sa Instagram.

Bale second time nang binanatan ng basher si Kristine na nananahimik lang. Natural, hindi palalampasin ni Oyo ang bumabanat kay Kristine, huh!

Bluff ni Uge ibabalik

Ibabalik daw ng GMA-7 ang game show na Celebrity Bluff. Ito ang magi­ging kapalit ng Superstar Duets ni Jennylyn Mercado.

Pero wala pang date kung kailan ito muling mapapanood. Siyempre pa, si Eugene Domingo pa rin ang host.

Isa raw sa magiging bluffers si Nar Cabico na isa sa malakas sa celebrity contestants. Hindi pa raw kasi siya napupunta sa bottom group.

Eh nang makilala ang singer sa SD, naglabasan daw ang mga kamag-anak niya sa social media, huh! Ang naging magandang resulta ay maraming nagkain­teres kunin siya sa mga corporate show, huh!

Ruru at Gabbi, parang sina Dennis at Jennylyn

Hindi na raw kailangan ni Ruru Madrid na magsabi ng, “I love you!” sa ka-loveteam na si Gabbi Garcia. Silang dalawa ang tumpulan ng tukso kahapon sa Sunday PinaSaya nang mag-celebrate ng 18th birthday ang Kapuso actress.

Eh sa nakaraang post ni Ruru sa Instagram, meron siyang “I love you” sa birthday message niya kay Gabbi. Tapos sa show kahapon, aba, wish ng young actor na mapasakanya ang ka-love team. Wala pang pag-amin mula sa dala­wa kung may relasyon na ba sila. Eh, hindi na naman bago sa showbiz ang sitwasyon nina Ruru at Gabbi na walang aminan sa pagkakaroon ng relasyon kahit buking na, huh!

Look at Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, super sweet sa biyahe nila sa abroad pero walang pag-amin na galing sa kanilang bibig, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with