^

Police Metro

Nagtampo kay misis, mister nagbigti

SHOWBIZ UPDATE - Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – “Paalam na sa inyo”.

Ito ang nakitang text message na hindi napadala ng isang mister sa kanyang misis bago ito nagbigti sa silid ng kanilang bahay kamakalawa ng umaga sa Quezon City.

Ang biktima ay nakila­lang si Joel Nogot, 48, naninirahan sa Doña Vinancia Bldg., na matatagpuan sa no. 158 Kapiligan St., Brgy. Doña Imelda ng nasabing lungsod.

Ang bangkay ng biktima ay nadiskubre dakong alas-7:00 ng umaga ng misis na si Gloria na nakabigti sa steel window ng isang kuwarto gamit ang sinturon.

Nabatid na magkahiwalay na natulog ang biktima at misis nito matapos na umano ay magkaroon nang pagtatalo ukol sa pinansiyal.

Katabi ng biktima na na­tulog sa isang kuwarto ang dalawang anak na lalaki habang ang misis ay sa kabilang kuwarto katabi ang tatlong anak na babae.

Isinugod ang biktima sa ospital, subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Nakita ng mga imbestigador sa draft na text message ng biktima ang pamamaalam nito na hindi naman niya naipadala.

vuukle comment

MISTER NAGBIGTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with