^

Pang Movies

Alden pina-sikreto ang pagbisita sa mga batang may sakit

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Bago lumipad papuntang London si Pambansang Bae Alden Richards noong nakaraang September 29, nagawa pa nitong dalawin ang die-hard fan niya na isang 12-year old na naka-confine sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center.

Ikinatuwa ito ng nag-request kay Alden na bisitahin ang bata na si Atty. Melanie Maddela. Alam niyang sobrang busy si Alden pero nagulat siya nang mabilis na um-oo ito na bumisita sa bata.

Nagdala pa raw si Alden ng rosary at ibinigay sa batang may karamdaman. Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Atty. Maddela na request ni Alden na huwag nang mag-upload ng photos na kasama niya ang mga bata sa naturang ospital. Pero isang photo lang ang in-upload niya dahil gusto niyang pasalamatan ang pagiging mabait na tao ni Alden.

“Ang totoo, Alden doesn’t want pics of him with the children to be uploaded kaya eto lang inupload ko because I can’t help but share how good a person this young man is.

“Hapon na ng Monday ako nagsabi. Nag-yes agad siya at pumunta kinabukasan. Kaya I’m so grateful,” sey pa ni Atty. Maddela.

Hindi lang daw isang bata ang binisita ni Alden kundi pati na ‘yung ibang naka-confine sa ospital.

“Ibang klaseng tao siya talaga. So humble, so accommodating. Kaya naman he is truly blessed… I am so grateful for Alden for responding immediately and doing this for her and the other kids he visited as well.”

Hindi nga raw nakasama ang ka-loveteam ni Alden na si Maine Mendoza dahil sa biglaan ang lahat.

Lotlot napansin ang acting sa sikat filmfest sa India

Dalawang independent films mula sa Pilipinas ang nakakuha ng top honors sa naganap na All Lights India International Film Festival sa Hyderabad, India.

Ang family comedy-drama na 1st Sem na tungkol sa isang college freshman na nakaranas ng pagka-homesick ay napanalunan ang Best Debut Feature para sa mga director nito na sina Dexter Paglinawan Hemedez and Allan Michael Ibañez.

Ang bida nito na si Lotlot de Leon ay napanalunan ang special acting citation para sa pagganap niya bilang ina na hindi maintindihan ang kanyang anak kung bakit ayaw nitong mag-aral ng college sa Maynila.

“One of the jury members said the festival don’t really give acting awards for they only give one award per category. But he said they can’t simply let Ms. Lotlot’s exceptional performance go unrecognized. So they created an award for her,” ayon pa kay Hemedez.

Ang poverty drama naman ni Direk Louie Ignacio na Laut ay nakuha ang Honorable Mention for Best Feature Film sa Main Competition ng naturang festival.

Nakailang parangal na ang Laut sa iba’t ibang film festivals abroad, kabilang na rito ang Special Jury Mention and Best Actress honors para sa bida nito na si Barbie Forteza sa 36th Fantasporto International Film Festival in Portugal.

Napanalunan din nito ang Jury Prize for Best Direction in the Asean Skies section at the World Premieres Film Festival in Manila.

Ang All Lights India International Film Festival ay tinatawag na South Asia’s biggest international film market and film festival.

 Unang salita ni Princess Charlotte nag-trending

Nag-trending agad ang unang word na binigkas ng Britain’s little princess na si Princess Charlotte.

Nasa kalagitnaan ng kanilang Canadian tour ang mag-asawang Prince William at Princess Kate noong biglang nasabi ni Princess Charlotte ang word na “pop” habang nilalaro ng kanyang kuya na si Prince Georfe ang mga balloons na nasa paligid nila.

Nasa isang children’s party sila sa Victoria, British Columbia noong biglang magsalita si Princess Charlotte. Noong malaman ito ng media, agad nilang binalita ito at nag-trending agad sa social media.

Mainit ngang sinalubong ang Royal Family sa kanilang tour sa Canada, kabilang na rito ang western province of British Columbia and the Yukon territory in the far north.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with