^

Pang Movies

Maine susundan si Alden sa London!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naku, ang AlDub fans talaga, palaging may update tungkol kina Alden Richards at Maine Mendoza. Kahapon kasi ay umalis si Alden pa-London, England para sa concert niya roon. Kasama niyang umalis ang handler niya under GMA Artists Center.

Ang tsika sa amin ng AlDub fans, susunod daw ngayong araw na ito ang personal assistant ni Alden na si Tenten Mendoza at ang nakakaloka pang tsika nila, kasama raw ng P.A. ni Alden na susunod si Maine at ang road manager nito.

True kaya ito? Hindi naman kasi kasama sa concert ni Alden sa London si Maine, huh! At kung totoo, nangangahulugan ba na may something na talaga ang dalawa?

Richard balik-Kapuso na?!

Ang pagkataranta ng loyal fans ni Richard Gutierrez kahapon.

Nag-post kasi ng picture si Annabelle Rama sa kanyang Instagram account (@annabelleramaig) kung saan ay kasama niya sina Annette Gozon, Joey Abacan at Tracy Garcia.

Sina Annette at Joey ay top executives ng GMA 7 at anak ng Kapuso network Chairman and President Atty. Felipe Gozon ang una.

May fans na nang-usisa kay Bisaya kung babalik na raw ba sa Siyete si Richard? Ang duda kaagad ng fans, babalik na si Richard sa Siyete. Nang makausap namin si Bisaya at inusisa tungkol sa pagkikita nila nina Annette, Joey at Tracy, sinabing nag-usap lang daw silang apat na magkita-kita para muling makapag-bonding.

“Barkada” ang turingan ng apat noong araw hanggang nagkaroon ng bad blood sina Bisaya at Annette.

Wala raw tungkol sa career ni Richard na pinag-usapan sina Bisaya at Annette (pati sina Joey at Tracy) kahapon.

 “Aminado naman ako kay Annette na may mga nasabi ako noong nagkaroon kami ng problema. I don’t deny that! So, sabi ko kay Annette, ngayong okey na ang lahat-lahat, kalimutan na ang nangyari noon. Huwag nang pag-usapan pa.

“Nag-sorry rin ako sa kanya kung may mga nasabi ako noon na na-hurt siya,” pahayag pa ni Bisaya.

Natanong din daw ni Bisaya si Annette tungkol sa nabanggit sa amin ng ex-wife ni Shintaro Valdez na kasal na ang nasabing TV executive at ang aktor.

Hindi naman ikinakaila nina Annette at Shintaro ang tungkol sa relasyon nila ngayon at engaged na ang dalawa, pero wala pa raw kasalang nagaganap.

“Sabi ni Annette, hindi siya naglilihim. Sa bahay pa rin nila Atty. Gozon siya umuuwi. Invited nga raw ako kapag magpapakasal na sila ni Shintaro,” dagdag pa ni Bisaya.

Wala si Shintaro sa pagkikita nina Bisaya, Annette, Joey at Tracy kahapon dahil nasa Bacolod daw ang aktor for a business trip.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with