^

Pang Movies

Eskandalo ni Sen. De Lima natabunan sa pagpanaw ni Sen. Miriam

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Pansamantalang nawala ang atensyon ng publiko sa mga eskandalo na kinasasangkutan ni Senator Leila de Lima dahil sa pagpanaw kahapon ni Senator Miriam Defensor Santiago.

Ramdam na ramdam ng mga naulilang pamilya ni Mama Miriam ang pagmamahal sa kanya ng mga kababayan natin na nagluluksa at nabigla nang malaman nila ang malungkot na balita, kahit knows ng lahat na Stage 4 ang lung cancer niya. Nakikiramay ako at ang PSN at PM staff sa pagpanaw ni Mama Miriam na malaking kawalan sa bayan.

Malala pa sa pinagdaanan nina GMA, Jinggoy, at Bong

Hindi pala ako nag-iisa dahil marami ang may ayaw na ipalabas ang sex video na ibinibintang kay Senator Leila de Lima.

Bayolente ang reaksyon ng mga Pinoy na walang powers na panoorin ang video scandal na balak gamitin na ebidensya ng Department of Justice laban kay De Lima. Agree ako sa sinabi ni President Rodrigo Duterte na dapat munang magpahinga ni De Lima dahil affected na ito sa mga nangyayari sa buhay niya. True na matapang at palaban si De Lima pero aminin man niya o hindi, nakakawindang pa rin ang mga kontrobersya na kanyang pinagdaraanan. Imposibleng hindi maapektuhan ang kalusugan niya, pati na ang kanyang pamilya.

Natakot at nag-alaala ang mga nakapanood sa televised presscon ni De Lima noong Miyerkules dahil sa sobrang galit niya, parang aatakehin siya sa puso. Kung ano ang ginawa niya noon kina former President Gloria Arroyo, Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr., nararanasan na ngayon ni De Lima pero  mas matindi  dahil kung pagbabasehan ang reaksyon ng publiko, parang wala na siyang kakampi.

Karelasyon ni KC type na ni Sharon na maging manugang

Imposibleng hindi matuwa si Aly Borromeo kapag nabasa nito ang sinabi ni Sharon Cuneta na good influence siya kay KC Concepcion.

The who si Aly? Siya ang Azkals member na boyfriend ni KC na open na open sa pakikipagrelasyon sa kanya.

Para sabihin ni Sharon na good influence si Aly kay KC, tiyak na may mga nakita siya na magandang pagpapabago sa ugali at mga pananaw sa buhay ng kanyang anak. Type na type na ni Sharon na magkaroon ng apo at maging lola at sign ito na tanggap niya kung sakaling mag-aasawa na si KC na nasa wastong edad na para lumagay sa tahimik.

Jinggoy nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang Tita

Ipinagluluksa ni Papa Jinggoy ang pagpanaw ni Mama Miriam na itinuturing niya na mentor sa senado.

Tita ang tawag kay Mama Miriam ni Papa Jinggoy na hindi naiwasan na balikan ang masasaya na araw nila ng senadora noong nabubuhay pa ito.

“Senator Miriam Defensor-Santiago, once my seatmate in the plenary session hall and whom I consider to be one of my towering mentors, will surely be missed.

“It is perhaps one of my achievements as a legislator to have been able to survive an interpellation from one of the brightest minds and legal luminary in the history of the Philippine Senate.

“I join the nation in mourning for a loss of a courageous and one of our country’s best public servants. I offer my heartfelt condolences to her family and prayers for the eternal repose of her soul,” ang mensahe ng pamamaalam at pakikiramay ni Papa Jinggoy kay Mama Miriam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with