^

Pang Movies

Comeback movie ni Charo matagal itinago ang kuwento

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – After 25 years, balik-limelight na naman si Ms. Charo Santos. Hindi pwedeng isnabin ang kanyang pagbabalik pelikula sa Ang Babaeng Humayo directed by Lav Diaz dahil mapapalaban ito sa Toronto Film Festival.

Masaya nga si Charo dahil may magandang proyekto para sa kanyang muling pagbabalik. Ayaw naman niyang makabalik lang ng basta at kahit anong anik-anik na istor­ya ay papatulan niya.

Matagal na palang nakatago ang istoryang ito para sa kanyang balik-pelikula. At ang mga de kalibreng mga actor din na kasama niya - Michael de Mesa at John Lloyd Cruz.

Kasalukuyan pa rin napapanood si Charo sa Maalaala Mo Kaya.

Aga graduate na sa puyatan

Isa pa sa nagbabalik ay si Aga Muhlach. Nasa bakuran na ulit ng ABS-CBN si Aga. Maraming panahon siyang nawala at marami nga ang nakaka-miss dito.

Matagal din siya bago nakumbinsi na muling mag-showbiz.

Hindi na kasi niya type magpuyat ng todo sa mga taping at shooting. Ganyan naman kasi kapag mga de kalibreng actor.

Mga orig na Regal babies absent sa birthday ni Mother

Mistulang may awards night noong mag-celebrate ng kaarawan ang ina ng movie industry na si Mother Lily Monteverde.

Halos lahat ng mga kilalang celebrities ay naroroon at bumati kay Mother.

Ang pinakamagandang eksena noong gabing iyo ay nang mag-kiss si Mother kay Father Remy Monteverde.

Mabait si Father Remy, noong araw palagi kaming nasa Avenida sa food mart  ng mga Monteverde sa may Lord Theater.

Tuwing mapapadaan siya roon ay nakikipag­tsikahan pa siya sandali sa mga press. Maganda ang PR niya. Si Mother naman ay ilang taon ding naging Darling Of The Press dahil kahit ang mga gatecrasher ay ini-entertain niya.

Kahit pa sabihing sa tela o kaya sa pader sumusulat. Kung hindi dahil kay Mother at sa Regal Films, tiyak kokonti lang ang mga pelikulang napapanood ngayon.

May napansin lang kami noong party niya, parang wala kaming nakita na mga original Regal babies na pinasikat niya.

Well, siguro ay mga abala sila sa kani-kanilang pansariling hanap-buhay. Kahit kasi sabihing nagsisiksikan ang mga artistang sikat sa party ay hinahanap pa rin ‘yung mga original star ng Regal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with