^

Pang Movies

Kahit ngarag na sa rami ng trabaho Alden ibabala sa Encantadia!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Maiiwasan mo nga bang sabihin na ang dahilan kung bakit isinali si Alden Richards sa Encantadia ay para mas palakasin pa ang ratings ng show? Palagay namin, mahirap namang ikaila iyon. Ano pa ba ang magiging dahilan para ilagay si Alden sa nasabing show kung hindi para sa ratings? Maaaring may ibang mga artista sa nasabing serye ang nag-iisip ng medyo negatibo, dahil siyempre ang ibig sabihin noon ay kailangan nila ng “boost”, eh maitatanggi mo ba naman iyon samantalang gusto mong makipag-agawan ng ratings?

Kung iisipin, malabo na ang assignment na iyan para kay Alden. Sobrang trabaho na ‘yan. Baka nga halos wala na siyang pahinga. Isipin ninyo, araw-araw ay kailangan siyang makita sa noontime show nila. Hindi niya maaa­ring pabayaan dahil iyon ang connect nilang dalawa ni Maine Mendoza. Alam naman natin na hirap din si Alden bago dumating si Maine. Kaya kung gusto niyang mapanatili ang kanyang ganyang popularidad, dapat hindi mawala ang love team nila ni Maine.

May sinasabing gagawin pa nilang pelikula, o gagawin nga nilang isang serye rin, pero habang wala pa iyon, hindi maaaring pawalan ang noontime show. Kaya masasabi mong dusa rin para kay Alden ang sumama pa sa Encantadia, pero kailangan ng show eh.

As it is, ok na rin naman ang Encantadia. Kami nga pinanonood namin iyan. Pero papaano mo nga ikakaila na ang pagsama hindi lang kay Alden, kundi maging kay Andre Paras at ang international star na si Conan Stevens ay para sa pagpapataas ng ratings? Bakit kailangang gumawa ng bagong character kagaya ng kay Sunshine Dizon kung ‘di pambatak din ng audience?

Natural lang naman ang ganyan sa serye. Minsan nababago ang istorya. Minsan nadadagdagan ang characters, minsan nababawasan din. Pero siyempre, kung ano ang ikabubuti ng serye, iyon ang ginagawa nila.

 Paalam Tony…

Gusto naming ipaabot ang aming pakikiramay sa pagyao ng dati naming kasamahan sa trabaho na si Tony Vizmonte. Yumao po siya noong Huwebes ng hapon. Ang mga labi niya ay nasa bayan nila sa Nueva Ecija.

Matagal naming kasama at kaibigan iyang si Tony. Isa siya sa mga taong mapagkakatiwalaan mo talaga. Matagal din naman ang inilagi niya sa showbiz. In fact, nanatili siya sa showbiz hanggang sa kanyang mga huling araw. Ipanalangin po natin ang kanyang kaluluwa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with