^

Pang Movies

Rita muling nakasama ang pamilya

Pang-masa

MANILA, Philippines – Muling nagtagumpay ang teen housemates ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 sa kanilang second lucky task kung kaya’t nabigyan ng oportunidad si Rita na makapiling ang kanyang pamilya.

Nagtulungan ang lalaking housemates na buuin at gayahin ang bahay ni Rita dahil alam nilang miss na miss na ni Rita ang kanyang pamilya.

Sa pangunguna ni Yong, ginabayan ng tatay ni Rita ang housemates para makumpleto ang pangalawang lucky task.

Sa mga kwento ni Tatay Danny kung paano niya itinaguyod sina Rita, mas naunawaan din ng boys ang tunay na kahulugan ng pamilya.

Bukod sa pagkuha ng weekly budget, mas determinado ang boys na tapusin ang task ng matagumpay para lang mapasaya ang bunso sa kanilang grupo.

Sa kahilingan ni Rita na magkaroon ng handang spaghetti, hotdog, at sopas sa kaarawan ng kapatid, binigyan din siya ng special task ni Kuya. Kahit na mahirap at pagod na si Rita, pinagtagumpayan ng pinakabatang teen housemate ang hamon ni Kuya ng may buong tapang at determinasyon sa tulong din ng suporta ng ibang babaeng housemates.

Sina Yong at Rita, na hindi gaanong nakagi­ginhawa sa buhay, ay hindi napigilang maiyak ng kanilang ibahagi ang kanilang pangarap na matulungan at maiahon ang kanilang pamilya sa hirap.  Si Heaven naman ay naiyak din noong balikan ang sakit na pinagdadaanan sa pagtuwang sa kanyang ina sa kanyang laban sa cancer.

Huwag palalampasin ang Pinoy Big Brother Lucky Season 7, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Born For You sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).  Mapapanood din ang Pinoy Big Brother Lucky Season 7: Mga Kwento ng Teen Housemates, weekday afternoons ng 5:00pm, habang live online naman ang Pinoy Big Brother Season 7 Online Show, Lunes hanggang Biyernes, 7PM sa www.pinoybigbrother.com.

Lilia Cuntapay bibigyang-pugay

Bibigyang-pugay ng Kapuso broadcast journalist na si Rhea Santos ang yumaong iconic actress na si Lilia Cuntapay ngayong Miyerkules (August 24) sa Tunay na Buhay.

Tinaguriang Queen of Philippine Horror Movies si Nanay Lilia dahil sa kanyang pagganap sa halos 70 pelikula at palabas sa telebisyon bilang aswang, bruha, multo, at iba pang nakakatakot na nilalang. Dalawang linggo matapos niyang manawagan sa mga katrabaho sa showbiz para sa kaniyang medication sa iniindang sakit sa spinal column, pumanaw na noong Sabado si Nanay Lilia sa edad na 81. Muling balikan ang kuwento ng Tunay na Buhay ni Lilia Cuntapay ngayong Miyerkules, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with